Chapter 01

399 7 0
                                    

"Sigurado ka ba na hindi ka na talaga mag mo-move on kay Shan?" tanong sa akin ni Wendy.


"Oo, hindi na rin naman kasi ako makakahanap ng katulad niya eh!" Natatawa ko pang sabi sa kaniya.


"Pero 'di ba sabi mo mahal na mahal niya yung Ex niya non?" Tanong niya pa sa akin.


Matagal naman ng hiwalay si Sera at Shan, teen ager pa kami non kaya wala naman sigurong mali kung gustuhin ko parin siya.


"Matagal na 'yon! Hindi ko naman hinihiling na magustuhan niya rin ako eh!" natatawa kong sabi at tumango nalang si Sera.


"O siya mauna na ako, maaga pa duty ko bukas eh!" sabi niya pa kaya naman nag paalam na kami sa isa't isa.


Nag lakad ako patungo sa office ni Daddy dahil tapos na ang duty ko sa ospital.


"Good afternoon, Daddy!" masaya kong bati kay Daddy.


"Hi maganda naming little princess!" naka ngiti si Daddy at sinalubong ako ng yakap.


"Kamusta naman ang duty mo ngayon? Busy ba?" tanong sa akin ni Daddy.


"Okay naman po, Daddy. Nag enjoy nga po ako dahil marami po akong natulungan," naka ngiti kong sabi.


"Mabuti naman kung ganon! Umuwi ka na dahil hinihintay ka na ng Mommy mo sa bahay," sabi ni Daddy kaya naman tumango ako at nag paalam na.


Habang nag lalakad ako sa daan ay may nakita akong isang pabilihan ng mga singsing at dahil mahilig ako sa singsing ay pumasok ako roon kaagad at nag tingin tingin.


Habang tumitingin ay nabihag ako ng isang jade ring.


"Miss, pwede ko ho bang matignan iyang jade ring?" masaya kong tanong dahil ganon ang nakita ko sa Goblin na kdrama!!


"Sige po Ma'am!" nakita niyang sabi sa akin kaya naman na excite akong mahawakan yung singsing.


Noong hahawakan ko na ang singsing ay nagulat ako noong biglaang mayroong kumuha ng singsing na iyon.


"Ang salbahe mo naman!" Sabi ko at nagulat noong si Ushangot 'yon.


"Ah talaga salbahe ako?" natatawa niyang tanong kaya naman tinignan ko siya ng masama.


"Akin na iyan," sabi ko kaya naman binigay niya rin kaagad.


Naalala ko tuloy yung scene ni Sunny at Grim reaper sa Goblin dahil sa nangyare sa amin ngayon!


"Magkano po ito,Miss?" tanong ko sa babae.


"Ten thousand lang po 'iyan, Ma'am!" naka ngiting sabi noong babae kaya naman kumuha ako ng ganoong amount sa wallet ko at binayaran na kaagad iyon.

Charming Danger (Diary Series #11)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora