Chapter 5

144 7 1
                                    

"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong ko kay Shan habang nakikita ko na seryoso siyang mag type sa kaniyang laptop.


"May inaayos lang ako sa para sa presentation namin bukas sa isang malaking client, bukas kasi siya darating sa office." sabi pa nito kaya naman ngumiti ako.


Minasahe ko ang kaniyang likod at ulo para mawala ang kaniyang pagod kahit papaano.


"Gusto ko nasa office ka bukas para mayroon akong inspirasyon habang nagpepresent sa potential investors ng kumpanya," sabi niya pa kaya naman malake ang aking ngiti sa aking labi.


"Siyempre present ako diyaan!" naka ngiti kong sabi kaya napa tingin ako sa aking relo at nakita kong thirty minutes nalang ay trabaho ko na dahil night shift ako sa ospital.


Hinatid ako ni Shan sa ospital kaya naman hindi ako na late.


"Mukhang masaya ka ah," asar pa sa akin ni Wendy kaya naman tumango ako sa kaniya.


"Pumapayat ka rin," may pag aalala sa kaniyang boses.


"Okay lang naman sa akin kasi masaya ako sa ginagawa ko!" sabi kopa sa kaniya pero umiling lamang siya.


"Mahal ka ni Shan kaya maiintindihan ka niya kung sasabihin mo na kailangan mong mag focus sa pagiging nurse mo kasi girl sobrang payat at dry mo na," sabi ni Wendy kaya napa tingin ako sa salamin na hawak ko.


Alam ko sa sarili ko na hindi na healthy kung ano man ang ginagawa ko, alam ko rin na napapagod na ang katawan ko pero wala akong magawa dahil pareho kong mahal ang ginagawa ko. Mahal ko ang pagiging nurse ko pati na ang pagiging asawa kay Shan.


Buong gabi ay napaka rami ang mga naging pasyente kaya naman pagod na pagod akong umuwi sa aming bahay.


pagkauwi ko ay hindi ko nakalimutan lutuan ng breakfast si Shan bago ako matulog.


Hindi ko napigilan ang pag pikit dahil sa pagod na naramdaman ko.


Nagulat ako noong biglaang tumunog ang aking alarm kaya naman napatingin ako sa oras.


"Hala, buong araw akong natutulog? nagising ako kung kailan malapit na oras ng duty ko!" bulong ko sa aking sarili.


Lumabas ako ng kwarto at walang bakas ni Shan kaya naman naisip ko na baka nasa office pa rin siya.


Ako:


Shan, sorry hindi ko napansin ang oras. 


Pagka send ko ng message ay naghintay pa ako saglit ng reply ngunit wala akong natanggap kaya naman naligo na ako para makapasok na ako sa ospital.


Noong nasa ospital ako ay hindi naaalis ang mata ko sa aking cellphone dahil inaalala ko kung may message ba sa akin si Shan.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now