Chapter 13

128 5 0
                                    

Palagi nalang ba make up sex?


Umiling ako ng umiling habang naka harap sa kaniya, mahimbing ang kaniyang tulog samantalang ako palaging nag iisip kung tutuo pa ba siya saakin.


Hindi ko aakalaing darating kami sa point na parehas na kaming magiging toxic, i deserve what i tolerated. 


tumalikod siya sa akin at niyakap ko siya sa kaniyang likod.


Kailan kaya darating ang araw na hindi ko mararamdaman na mahal niya lang ako dahil masaya kami.


Habang nakayakap kay Shan ay naramdaman kong umiipit sa sakit ang aking ulo, tumayo ako at pumunta sa baby room para roon damdamin ang sakit.


"Baka magising si Shan kapag namilipit ako roon," bulong ko habang nakahiga sa tent ng baby's room.


Noong tumigil ang sakit ng ulo ko ay tumayo ako.


Hindi ko namalayan ng tanghali na pala, hindi pa kami nag dinner at breakfast ni Shan.


Pumunta ako sa kusina para mag luto ng pagkain naming dalawa at noong natapos ako ay kaagad ako nag tungo sa aming kwarto para tawagin siya.


"Sh-," hindi ko na nabanggit ng buo ang kaniyang pangalan dahil wala na siya sa kwarto.


Hindi niya ako hinanap para makapag paalam bago siya pumasok sa trabaho.


Kinuha ko ang aking cellphone para tumawag kay Shan ngunit unattended ito kaya nag text nalang ako.


Ako:


Bibisitahin ko si Wendy kaya hindi ako papasok sa work, yung food nasa oven.


Noong nailagay kona sa oven ang mga niluto ko ay nag punta na ako kaagad sa ospital para bisitahin si Wendy.


"Hindi ko alam paano mo pa nakakayanan mag stay kay Shan," nangangamot ulong tanong sa akin ni Wendy.


"Alam mo naman na mahal na mahal ko ang asawa ko," sabi ko.


"Bes, nakita ko siya na kasama si Sera sa mall. Sigurado ako na ang paalam non sayo ay trabaho pero puro si Sera lang ang kasama, hindi na maganda ang ginagawa niya sayo." 


Alam kong tutuo ang sinasabi ni Wendy dahil kahit ako nasaksihan ko kung ano ang ginagawa ni Shan, hindi nag kulang ang mga kaibigan ko sa paalala. Nag kulang ako ng pagmamahal sa sarili ko.


Alam kong una palang ganito na ang mangyayare, alam kong hindi niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal niya kay Sera, alam kong hindi niya ako tatratuhin ng tama tulad ng kay Sera, at alam kong kinasal kami dahil napilitan siya.


Mahal niya ako, Oo, pero hindi ang pagmamahal na kayang talikuran ang first love para makasama ako.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now