CHAPTER FOUR | BILLS

755 9 0
                                    


Nobody can give you a wiser advice than yourself.

CRUEL BASTARD

CHAPTER FOUR | BILLS

LAUREL

"Bes, overtime na naman tayo kay Doc Verden. Nakatapos na tayong mag-rounds. Natapos na rin natin ang charting. Bakit ayaw pa tayong pauwiin?"

Ramdam ko na ang iritasyon ni Wanda habang nakaupo kami sa gilid ng nurse's station at naghihintay na pauwiin kami. Tumingin ako sa relo at lampas alas-diyes na. Tapos na dapat ang duty namin at nandito na nga din ang susunod na group na papalit sa aming naka-duty dito sa ER. Toxic pa naman at ang daming pasyente na dumarating. Karamihan pa naman ay puro aksidente. Tatlo ngang pasyente ang DOA tapos punong-puno ang mga beds ng mga patients at marami pang naghihintay sa labas. Ang gulo talaga. Kaya nga gusto ko nang umalis na kami para mabawasan na ang mga tao dito na paikot-ikot sa loob ng ER. Alam kong naiinis na nga ang mga nurses na naka-duty sa amin. Narinig ko pa na comment ng isa na pampasikip lang daw kami doon. Kahit kailan naman hindi namin maramdaman na welcome kaming mga estudyante kapag nagdu-duty kami. Kasi nga naman isa pa kami sa mga iintindihin dahil tini-train pa nila kami.

"Ewan ko. May idi-discuss pa nga daw. Gagabihin na naman tayo ng uwi," iyon na lang ang sagot ko at napahinga ng malalim tapos ay nagtingin sa mga notes ko.

"Group 2. Sa conference room daw sabi ni Doc Verden." Iyon ang narinig kong sabi ng leader namin. Sabay-sabay kaming nagtayuan at binitbit ang gamit tapos ay dumeretso sa conference room. Pagdating namin doon ay wala pa si Doc Verden kaya naghintay na naman kami. Minsan talaga nakakaubos na rin ng pasensiya itong mga doctor na 'to. Ang susungit na nga, mga lagi pang pa-importante. Pero sabi nga ng isang instructor namin, parte iyon ng training namin. Dahil once na naka-graduate na kami at nakapasa ng board tapos ay mag-trabaho sa ospital, mas matindi pa ang mararanasan namin.

Hindi ko na pinapansin ang mga comment ni Wanda. Ang ibang mga ka-groupmates na lang namin ang kinausap niya siguro ay dahil sa ramdam niyang wala din ako sa mood. Wala naman talaga. Ang isip ko kasi ay naroon kung ano ang estado ng tindahan namin. Nang nagbabantay kasi ako kanina, nakita ko ang mga listahan ng payables ng tindahan. Sa upa, tatlong buwan na palang hindi nakakabayad si Nanay. Sa mga suppliers, ang dami pa rin na kulang. Ang mga tindera namin, tatlo na ang umaalis dahil hindi nabibigay ng buo ang mga suweldo. Ang naiiwan na lang na naroon ay iyong mga matatagal na. Ang kuryente, kahit nababayaran ay nakita kong ang daming disconnection notice. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Dati naman, maayos na maayos ang pagpasok ng pera doon. Maayos na naha-handle ni Nanay noong nabubuhay pa si Tatay pero bakit ngayon? Bakit ang daming bayarin na hindi nababayaran sa oras? Saka nakita ko din na ang tuition ng kapatid ko ay naka-promisory note. Bakit naka-promisory note? Samantalang dati, buwan-buwan namang nakakabayad sa tamang oras. Nang tingnan ko ang bank account ko kung saan nagdedeposito si Nanay ng pera para sa pang-tuition ko, wala pang laman iyon. Bayaran ko pa naman ng tuition next week.

"Bernardino!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at lahat na ng mga ka-groupmates ko ay nakatingin sa akin pati na si Doc Verden.

"Doc?" Iyon na lang ang nasabi ko dahil kung may tanong talaga ito ay hindi ko masasagot dahil hindi ko talaga narinig.

Hindi na ito nagsalita at napailing. "In my class, I always tell you to have a presence of mind. Hindi ko kailangan sa klase ko ang gabi na pero nagdi-day dreaming pa rin." Alam kong ako ang pinaparinggan ng doctor tapos ay nagpatuloy sa dini-discuss. Naramdaman kong siniko ako ni Wanda.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 4: MARCUS AURELIUS (CRUEL BASTARD) (COMPLETE)Where stories live. Discover now