CHAPTER THREE | OFFER

896 10 0
                                    


One opportunity used wisely can changed your life dramatically.

CRUEL BASTARD

CHAPTER THREE | OPPORTUNITY

MARCUS

Umaga na umuwi si Kuya MVP kaya tanghali na ay tulog pa. Ako na lang ang nagluto ng almusal namin. Nakabili naman ako ng itlog at iginisa ko sa sibuyas saka sinamahan iyon ng pandesal. Umiskor din ako ng kape sa tindahan ni Aling Narda na asar na asar sa akin dahil ang aga-aga ko daw mangutang. Pero alam ko naman na hindi makakatanggi dahil type din yata noon si Kuya. Kinaribal pa ang anak.

Alam kong may ginawa si Kuya kagabi. Illegal dahil kasama niya ang BTS boys. Hindi naman ako nagtatanong sa mga ginagawa ni Kuya dahil alam kong para sa aming dalawa din iyon. Lagi naman niya iyong sinasabi sa akin. Na lahat ng ginagawa niya ay para sa akin. Kalat sa barangay na snatcher ang kuya ko. Maraming mga illegal na ginagawa pero hindi ko pinapansin. Wala ng pakialam ang mga tao kung paano namin buhayin ng kuya ko ang mga sarili namin. Hangga't wala silang ambag sa pangkain namin sa araw-araw, wala silang karapatan na pakialaman ang buhay namin.

Amoy na amoy ko ang mabangong pandesal sa harap ko pero hindi ko pinapansin 'yon. Naalala ko ang kuwento ni Boyet na nakapag-asawa na daw si Dante at Jerwin at maayos na ang buhay ngayon. Dati kasa-kasama lang namin dito sa barangay ang mga iyon. Mga kapwa namin tagabuhat ng kung ano-ano sa palengke at mga tindahan dito. Naisipang umalis sa lugar na ito at nasuwertehan ang buhay sa ibang lugar. Nagkaroon ng maayos na trabaho, kumita ng maganda at ngayon nakapag-asawa na. Maayos na at nagsisimula na ng magandang buhay.

Kami kaya kailan?

'Tangina talaga. Kung marami lang talaga kaming pera hindi kami magiging ganito. Hindi kami mabubulok dito sa Bayagbayag at kung ano-anong mga trabaho ang nadadampot para lang kumita ng konting barya. Kahit naman sinusuportahan ako ni Kuya MVP, nahihiya din naman ako sa kanya na palamunin lang niya ako. Gusto ko rin namang makatulong. Gusto ko ring mag-ambag kahit paano. Pero paano naman ako makakakuha ng maayos na trabaho kung elementary graduate lang ako? Ngayon pa naman na sa bawat establisiyemento, laging diploma ang hinahanap. Bakit kasi hindi ako nakapag-aral?

"Aga mong nakatulala diyan? Si Laurel na naman ang inaalmusal mo."

Tinapunan ko ng tingin si Kuya na halatang puyat na puyat talaga. Dumeretso siya sa lababo at naghilamos bago naupo rin sa harap ng mesa at nagtimpla ng kape.

"Saan ka naka-iskor ng kape? Wala pa akong binibigay sa iyong pambili." Komento pa niya. "May pandesal pa." tiningnan ako ng makahulugan ni Kuya. "May ginawa ka bang illegal?"

"Wala, Kuya. Ano 'yan, may natira sa pera ko kahapon. May naipon din ako sa pilahan ng jeep at sa pagtambay sa telahan ni Aling Lagring. Pero 'yong kape, inutang ko kina Aling Narda."

Natawa si Kuya at dumampot ng pandesal tapos ay ipinalaman ang itlog. "Siguradong nagbusa na naman 'yon."

"Parang ganoon na nga. Kasinghaba na daw ng EDSA ang listahan ng utang natin. Dami pa namang tao kanina pero sanay na naman ako sa walang tigil na bibig ni Aling Narda."

"Arte naman niya. Nagbabayad naman ako." Sige sa pagkain si Kuya tapos ay napatingin sa akin. "Bakit seryoso ka?"

"Wala lang." Tumawa ako ng pilit. "Nabalitaan ko lang kasi na nakapag-asawa na pala si Dante at Jerwin. Nakita ko sa Facebook. 'Tangina, ang ganda ng kasal. Halatang ginastusan ang simbahan pati reception. Tapos ang gaganda pa ng mga suot nila."

ROZOVSKY HEIRS SERIES 4: MARCUS AURELIUS (CRUEL BASTARD) (COMPLETE)Where stories live. Discover now