Chapter 8: Real side?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good."

"Di lang kasi ako matiyaga, mapagpasensya din ako."

"Keep it up. Para yung kanina umabot na sa Someday"

"Someday?"

"Secret?"

"Ano nga yun?"

"Secret nga eh. walang clue"

Hinarap ako ni warren sa kanya.

"Pleassssssssssseeeeeeee"

Dalawang kamay na ang pinangpisil ko sa pisngi niya.

"Ang kulit mo talaga. Secret nga diba"

"Future naman oh!"

"Someday"

"Ano nga yun?"

"Tawag ko sayo."

"Anong meaning?"

"Ewan" Tumalikod na ako sa kanya para magbutingting ng mga gamit sa counter. Tumabi siya sa akin.,

"Sige ka di ako makakakain niyan."

"Ayos lang"

"Di ako makakatulog mamaya"

"Ayos lang din"

"Magkakaruon na ako ng malaking eyebag"

"Ayos parin"

"Papayat ako"

"So?"

"Pag yayakapin mo ako baka makalas ako"

Hinampas ko yung menu sa ulo niya.

"Bakit kita yayakapin aber?"

"Aray."

"Wow balik ulit kaso sa langgaman session niyo ah. Mam ito na po yung orders niyo. Tawagan niyo na lang kami kung ano napili niyo."

"Salamat Alaisa"

"Ako na magbubuhat" Sabay kuha ni warren nung boxes ng Cakes. At paalis na kami.

"Sige mam sir, Balitaan niyo na lang kami. Come again po."

"Babay." Sabay lingon namin ni Warren.

----------------------------------------------------------------------------------------

Nagpaalam na rin kami kay Manong Ramon. Naglalakad na ako nauuna kay Warren. Papunta na ako nun sa tawiran ng bigla siyang magsalita.

"Ray Saan ka pupunta?"

"Sa terminal"

"Ihahatid kita Remember?"

"Ha? Di mo kaya ako tinanong kanina?"

"Ano ka ba implied na yun. Tara"

Sumunod ako kay Warren. Ang ganda ng likod niya at tama nga wala silang pinagkaiba ni Patrick. Magkasing tangkad sila. Nalungkot naman daw ako bigla. Hay. Paano kung paghiwalayin nga kami ni Patrick eh ngayon na unti unti na naming nakikilala ang isat isa?

Binuksan ni Warren yung likod ng sasakyan niya.

"Ready? Wag kang magalala di na madumi yung kotse"

Binuksan ni Warren yung isa sa mga pintuan.

"Salamat"

"Sakay na"

Pagpasok ni Warren sa kotse.

"Ray"

"Oh?"

"Yung seatbelt mo"

Kinuha ko yung seatbelt. Bakit naman ang hirap hilain.

"Warren, ang hirap naman nito"

"Hahaha. Wait. Ganito lang yan" Humarap si warren sa akin at kinuha yung seatbelt at inayos. Grabe. Amoy na amoy ko siya. Ang Bango. :)))) Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nako naman eh.

Bumalik na siyta sa upuan niya. buti na lang di niya napansin na namula ako sa ginawa niya.

"Salamat"

"Wala yun. Si Patrick kasi madalas umupo diyan. Nasira niya ata kasi kung humila siya ng seatbelt eh parang wala ng bukas."

Close talaga sila?

"Close talaga kayo no?"

"Oo. since mga bata pa kami. kami na magkalaro nun"

"Never kayong nagaway?"

"Kami? Hmm. Once lang. After nun never na kami nagaway ulit"

"Bakit? anong pinagawayan niyo?"

"Nung napaaway ako ng di ko sinabi sa kanya eh siya yung dahilan kung bakit ako nabugbog"

"Ha?"

"Child thing lang yun. Madami kasing naooffend kay Pat eh. Pero kung kinikilala lang nila si Pat malalaman nila na mabait talaga yun. He knows how to value a firend. Sana mameet mo na yun. Feeling ko magkakasundo kayo"

"Sana nga"

Kung alam lang ni Warren na nagkita na kami ni bestfriend niya kanina. Magkakasundo? Parang hindi. Ano ba talaga ang totoong side ni Patrick? Yung pinapakita niya kay Warren araw araw o yung pinakita niya sa akin kanina? Hay. Siguro nga over protective lang si patrick kay Warren. Pero bakit? Ano bang nakikita niyang mali sa pakikipagkaibigan ko kay Warren? Mabait DAW siya eh bakit di siya masaya na ako yung babaeng kinakaibigan ni Warren?

Di ko pa nga alam kung may FUTURE talaga kami ni Warren SOMEDAY.

Pinipigilan na agad. :(

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon