"chapter 10"

5 5 3
                                    

Tahimik lang akong nag hahanap ng fiction story dito sa library ng makita ko si Franco na may kinukulit na babae, naka upo si franco sa lamesa sa may harap ng babae, habang ang babae ay halatang walang pake, ni hindi man lang tiningnan ng babae si franc. Ngayon ko lang napansin na hindi familiar sakin ang itsura nito kaya napa kunot ang noo ko habang tinitingnan silang dalawa.

"Bakit ang ganda mo?" Narinig kong tanong ni Franco sa babae, napansin ko na napa taas ang kilay ng babae at mataray na tumingin kay franc.

"Anong pake mo?" Mataray na saad ng babae, di ko napigilan ang sarili kong mapa ngiti, napaka bagong senaryo nito para kay franc.

"Sungit mo naman." Naka pout na saad ni franc habang tila nag papa awa ang mukha.

Himala ata tong nakikita ko ngayon!!!

"Di ba halata?" Walang emosyong saad ng babae habang naka taas parin ang isang kilay.

"Medyo, pero parang lalo ka kaseng gumaganda pag nag susungit ka." Naka ngiting banat ni franc, yuck!! Bulok banat mo sis! Mahina nalang akong napa tawa dahil, sa reaksyon ng babae ay parang nang didiri ito na awan.

"Again, PARANG LANG!"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"What do you expect from me? Makipag ngitian sa mga taong plastic at toxic, maging mabait sa mga tao?, Remember this Mr. Rosales, kapag naging mabait ka sa kanila, aabusuhin ka lang nila, hanggang sa wala ng matira para sa sarili mo. At kapag napuno ka na, they all look at you badly, they will say that you are only good when you are in front of them. Tandaan mo Mr. Rosales, kahit gaano ka galang galang o kabait ang isang tao, may masasabi at masasabi parin ang iba." Naka kunot ang noo ng babae habang sinasabi ang mga katagang y'on.

Actually she really have a point. Kahit sino nakaka ranas ng ganon, yung tipong totoo ka naman na mabait sa kanila pero ang iisipin lang nila pastic ka.

"Awshhhhyyyy-" Hindi na natapos ni franc ang sasabihin ng biglang mag salita si Hanna na mukang kanina pa nasa likod nito,ni hindi ko man lang napansin, grabe!

"Shhhsssss... Kung mag iingay lang kayo, the door is open for the both of you to leave." Mahina pero may diin na saad ni Hanna. Napa tango nalang ang babae at tumayo na.

"Sorry, lyn." Na hihiyang saad ni Franco, nag lakad ako palapit sa kanila. Habang ang babaeng kausap nito kanina ay nag aayos na ng gamit.

"You should be franc, alam mo ang number one rule dito sa library." Inis na suway ni Hanna kay franc.

"Oo, sorry ulit." Paumanhin ulit ni franc, napa tingin ako sa dereksyon ng babae na kausap ni franc kanina, nag lalakad na ito palayo,"wait!!! Mesha!!" Sigaw ni franco, pero tila walang narinig yung Mesha dahil derederetso lang ang ito.

"Shssss!! Isa pa! I papa ban kita dito sa library." Mahinang suway ni Hanna, halata dito ang inis.

"Wag naman ganon! Dito ko na nga lang sya na tatagpuan!" Parang batang saad ni Franco at napa pout pa ito.

"Sino ba kase yun?" Takang tanong ko, pareho silang napa tingin sakin,

"Random gurl na kina babawilan ng baklang to." Naka taas kilay na saad ni Hanna habang itinuturo si Franco.

"Whohw, that's new... Si Franco Rosales nag hahabol na sa babae?" Halos hindi makapaniwalabg saad ko, that's very new... Hindi talaga kami sanay na si Franco ang nag hahabol, well, famous sya, hindi lang dahil gwapo sya kung di dahil isa rin syang sikat na singer dito sa buong campus.

"I know right, that's very new kay franc. Usually sya ang hinahabol, not sya ang nag hahabol." Naka ngising saad ni Hanna at napa cross arms ito.

"Maybe there's something special about that gurl." Saad ko naman sa pang aasar na tono, pero imbes na maasar si Franco, napa ngiti nalang ito at tila kinikilig na naka tingin sa pinto. Ay gago!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our New Written Scenery(Arcifinious Dreams Series 1)Where stories live. Discover now