"chapter 8"

43 25 14
                                    

Hindi ko alam, ganon pala ka bigat at kahirap ang pinag daananan ni mama, hindi nya sakin na i kwento ang mga bagay na yun, hindi nya sinabi saakin ang totoo. Tinago nya sakin Ang tunay kong pagka tao.
Naka tingin ako sa may bintana ng madaanan namin ang isang dagat. Napaka ganda dito, pakiramdam ko ay gusto ko na munang tumambay dito.

"Ah, kuya pwede po ba dito na lang ako?" Na hihiyang tanong ko sa driver ni Cheng. Pa uwi pa lang ako dahil halos ayaw na akong paalisin ni Lolo Shaun.

"Po?? Pero delekado na dito hija" napa tingin saakin ang matanda na halatang nag aalala,napa tingin ak sa cellphone ko at tumingin sa oras, mag aalas Nuwebe na ng gabi. Tumingin ako sa matanda at mgumiti

"Okay na po ako dito, malapit na rin naman ang bahay namin dito" magalang na saad ko dito habang naka ngiti

"Sigurado ka ba hija?"nag aalalang tanong nito, na pansin ko naman agad ang gusto nyang sabihin,

"Opo, ako na po ang kakausap kay ch–ate Cheng" saad ko, napa tango naman ang matanda at ngumiti

"Oh sige, mag ingat ka dito" saad nito at hininto ang sasakyan. Napa tango ako at ngumti at nag paalam na..

Ng umalis na ang kotse ay binuksan ko na ang flashlight ng cellphone ko at nag lakad na papunta sa may dagat. Lumapit ako sa tubig habang naka tingin sa napaka liwanag na buwan, bakit ginto? Pakiramdam ko nangyari na ito?

Hinayaan kong basain ng alon ang aking mga paa, habang ang napaka lamig na hangin ay nililipad ang aking buhok. Napa pikit ako habang dinadama ang napaka lamig na hangin.

"Why are you here?" Napa dilat ako at gulat na gulat ng may mag salita sa may likod ko. Agad ko itong nilingon at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang isang binatang naka black jacket.  "Gabi na pero nandito ka pa... Delikado na dito" dagdag pa nito. Palihim akong napa ngiti sa di malamang dahilan.

Lumapit sya sakit at tumabi, pumikit sya at dinama ang hangin, napa ngiti ako habang naka tingin sa kanya... Hindi ko ma intindihan ang sarili ko, kaka iba... Napa tingin nalang ako sa buwan at napa kipit na rin, dinama ko ang napaka lamig at sobrang tahimik na lugar, tangin ihip lang ng hangin at ang mga tunog ng alon ang ma ririnig.
Naramdaman ko na may humawak sa may kamay ko kaya napa dilat ako at tiningnan ang kaliwang kamay ko na ngayon ay hawak na ni Quie. Tahimik akong naka tingin sa mga kamay namin at tila may kung anong kuryente akong na ramdaman.

Napa tingin ako sa kanyang muka at ganon na lang ang gulat ko ng makitang naka tingin pala sya sakin, napaka amo ng kayang mata, habang ang mga buhok nya ay nililipad ng hangin. Pakiramdam ko ngayon ay sobrang pula na ng muka ko kaya hinila ko ang kamay ko sa kanya at kinuha nalang ang cellphone at headset ko, nag play ako ng isang song, hindi ko na napansin kung anong song ang na play ko dahil ngayon feeling ko lalamunin na ko ng dagat dahil sakin parin naka tingi si Quie. Inilagay ko na sa tainga ko ang headset at pinakinggan ang kanta

"You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss goodnight
Ain't nothin' better"

Nagulat ako ng hinila ni Quie sa king tainga ang isang headset at inilagay sa kanya, taka syang napa tingin sakin at napa kunot ang noo.

"Why? Di mo gusto yung song??" Takang tanong ko sa kanya, 'anong pake ko kung di nya gusto yung song ' na realize ko ako nga pala ang nag papa tugtog kaya ako ang ma susunod. Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang ako sa dagat, habang sya ay naka kunot parin ang noo habang naka tingin sakin.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo yung kanta, papalitan ko"

"N-no... It's not that i don't like the song... It's just...." Mahinang saad nito habang tila may iniisip ito o inaalalang bagay, " Nangyari na ito noon" mahinang saad nito, hindi ko sigurado kung tama ang pag kaka rinig ko. Naka tingin lang ako sa kanya habang naka kunot ang noo nya habang may iniisip parin.

Our New Written Scenery(Arcifinious Dreams Series 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu