KABANATA 2

917 25 3
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay mabilis 'yung tumama sa puting kisame ng kwartong 'to ngunit nang maalala ang nangyari kagabi ay mabilis akong napabalikwas sa kama ngunit agad ding ininda ang sakit sa gitnang parte ng dalawang hita pati na rin ang pagkirot ng ulo.

"Tangina..ouch.." Atungal ko dahil ramdam ko ang kirot non hanggang sa unti-unting natigilan, iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ngunit ako na lamang ang mag-isa.

Tandang-tanda ko pa kung ano 'yung nangyari..

"Shit! Shit! Shit!" Sunod-sunod kong mura, ang dami kong napagtanto ngunit mas nangingibabaw sa akin ang mga magulang ko!

Dali-dali akong umalis sa kama, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pulang marka na nasa higaan tanda ng pagkawala ng pagka-birhen ko ngunit masyado akong nagpapanic dahil alam kong lagot ako sa mga magulang ko!

Mabilis kong isinuot ang damit ko pero napahinto ako nang mahagip ang pera na nakapatong sa side table, kagat labi pa akong nag-isip kung kukunin ko ba 'yon, paniguradong galing 'to sa estrangherong 'yon!

"Wala akong pamasahe pauwi, kailangan ko ring makabili ng pagkain man lang para mabawasan ang init ng ulo nila mama pag-uwi ko.." Bulong ko, sa huli ay nagpasya akong kunin ang halos sampung libo na nandoon bago aligagang lumabas ng kwarto.

Kahit ramdam pa rin ang sakit sa pagkababae ko ay hindi hadlang 'yon para bilisan ko ang kilos ko paalis sa motel na 'yon na mabilis kong napagtanto.

Dali-dali akong nagpara ng masasakyan, pakiramdam ko ay maduduwal ako sa halo-halong nararamdaman. Naiwan ko rin ang gamit ko sa pwesto namin kagabi, kaya pati ang phone ko ay wala sa akin.

Sapo-sapo ko ang sariling sentido habang nakasakay sa taxi na pinara. Bumubuo na rin ako ng imahinasyon kung paano ako pagagalitan ng mga magulang ko.

"Dito na lang kuya," Pumara ako sakto sa bayan para makabili muna ng makakain. Bibili na rin siguro ako ng pain killer para sa sakit sa ulo, o kaya para sa hang-over.

Bumili ako ng pagkain, ulam, at gamot. Matapos no'n ay nagpasya na akong umuwi sa amin. Sa tricycle pa lang ay pakiramdam ko lalabas na ang puso ko dahil sa kaba.

Sana lang talaga ay huwag magalit nang sobra sila mama.

"Dito na lang po." Para ko sa tricycle. Agad akong bumaba bitbit ang mga gamit, nagsisimula na ring manlamig ang kalamnan ko, pati tuhod ko ay nangangatal na rin.

Panay ang naging paglunok ko habang naglalakad palapit sa bahay. Agad akong natigilan nang makita si mama na nagwawalis pa sa harapan ng aming bahay.

"Ma.." Mabilis kong tawag sa kaniya dahilan para mabilis din siyang mapatingin sa akin. Nangunot ang kaniyang noo sabay baba ng tingin sa mga dala ko.

Nabawasan na ba ang galit niya?

Tumayo siya nang maayos bago lumapit sa akin, humigpit ang hawak ko sa plastic kong dala, kabado pa rin sa susunod na gagawin ni mama.

"Bakit ngayon ka lang? Nag-almusal ka na ba?" Bahagya akong natigilan sa tanong niya. "Ano 'yang dala mo? Bigay nila Felice?" Suminghap siya bago lumapit sa akin at kunin ang hawak ko para tingnan kung anong laman no'n.

T-teka..hindi siya galit?

Hilaw akong ngumiti kay mama. "O-oo ma.." Napasinghap ako bigla dahil sa kasinungalingang sinabi ko sa kaniya.

Natatakot akong sabihin sa kaniya na hindi totoo 'yon, dahil paniguradong sinabi lang 'yon nila Felice dahil alam nilang pagagalitan ako. Natatakot din akong sabihin sa kaniya na..nakuha na ang pagka-birhen ko ng isang estranghero!

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now