PANIMULA

4.2K 53 2
                                    

Minsan..napapaisip ako kung bakit ang unfair ng buhay. May mga babaeng pinanganak na maganda, matalino, mayaman, at mabait. Habang ako, hindi na nga kagandahan, hindi na nga matalino, at hindi rin mayaman..pero, hindi ko naman masisisi ang magulang ko kung hindi talaga nila kayang ibigay ang mga bagay na gusto ko.

Bakit iba ang buhay ko?

"Guys, gala tayo sa Friday?" Saglit akong napalingon sa mga barkada ko dahil sa narinig ngunit agad din akong nag-iwas. "Kain tayo, tagal na nating 'di nakakagala." Dagdag ni Darren.

"Sige ba? Saan?" Ani Felice.

"Gagala nanaman, ubos na nga pera ko." Reklamo naman ni Nicole.

Narinig ko ang tawa ni Darren. "Sus, parang 'di rin naman sasama." Ani nito.

Hindi ko mapigilang mapariin ang hawak ko sa aking ballpen na hawak habang nakikinig sa kanilang mga pinag-uusapan.

"Sama ka, Criselda ah?" Doon ako muling napalingon sa kanila na ngayon ay nakatingin na sa akin, napatingin ako kay Althea na ngayon ay nakangiti sa akin nang bahagya.

Sasama ba ako? May pera ba ako? Pero..baka hindi ako mabigyan ni Mama ng pera.

Napalunok ako bago pilit na ngumiti sa kanila. "Try ko, baka hindi ako payagan ni Mama eh."

'Yan palagi ang linya ko palagi sa kanila sa oras na alam kong kapos kami sa budget, mahirap..lalo na dahil kahit gusto mong sumama sa kanila, wala kang magawa dahil wala kang pera.

"Si Criselda pa? E hindi naman yata 'yan papayagan ng Mama niya." Tawa ni Nicole na tinawanan nila.

Pilit ko na lamang silang nginitian hanggang sa tuluyang dumating ang uwian. Malapit lang naman ang bahay ko rito, kaya nilalakad ko na lang habang ang mga barkada ko ay sabay-sabay na naglalakad papunta sa terminal ng jeep sa bayan.

Minsan, iniisip kong hindi ako belong sa kanila kahit ang totoo ay belong naman talaga ako. Sadyang, iniisip ko lang na mayaman sila, habang ako ay mahirap. Nakakahiya nga dahil baka iniisip lang nila na sumasama lang ako tuwing may libre, pero kapag wala ang dami kong dahilan.

Nakakahiya.

"Nak, magsaing ka na." Utos sa akin ni Papa na mabilis ko ring ginawa pero agad akong napahinto nang makitang wala ng laman ang lagayan namin ng bigas.

Tumingin ako kay Papa na nasa labas ng bahay at busy sa pagpuputol ng pang-gatong na kahoy. "Pa, wala ng bigas." Lapit ko sa kaniya.

"Bumili ka roon, isang kilo hanggang bukas na 'yan. Kumuha ka ng pera sa wallet ng mama mo."

Hindi ko mapigilang mapaiyak minsan, naaawa ako para sa mga magulang ko. Nakikita ko silang hirap na hirap na sa pagkayod araw-araw, habang ako pilit nakikisabay sa mayayaman kong mga kaibigan.

"Ma, inaya ako ng mga kaibigan ko. Kakain daw kami, pahingi ako isang daan." Paalam ko sa kaniya isang araw, umaasa na payagan niya ako at mabigyan ng pera.

Kinunutan niya ako ng noo. "Gala nanaman? Wala na nga akong pambayad sa kuryente, 'yang sahod ng papa mo hindi na nga maasahan, gagala ka pa." Napabuntong hininga ako dahil doon. "Kulang na nga 'tong pambayad ko sa utang, makikisabay ka pa."

Gagala nanaman? Hindi mo nga ako pinapayagang gumala, ma.

"Sa Friday na nga, nakakahiya ako nanaman 'yung 'di makakasama." Maktol ko pa ngunit mas lalo lamang niya akong sinermunan.

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil doon. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi ako pinayagan, naiinis ako sa sarili ko dahil pilit akong nakikisabay..pero masisisi niyo ba ako kung gusto ko ring makasama sa mga gala ng kaibigan ko?

Hindi ko rin napigilang malungkot nang sabihin kong 'di ako makakasama, kaya ang ending wala nanaman ako sa alis nila.

Sana balang araw, makuha ko rin lahat ng gusto ko. Sana balang araw, makasama na ako sa mga gala ng mga kaibigan ko. At sana balang araw, magkaroon ako ng magandang buhay na 'di ko maranasan ngayon.

---------------------
Don't forget to vote!

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now