KABANATA 3

860 26 4
                                    

"B-buntis ka?!" Gulat na sigaw ni Nicole nang aminin ko 'to sa kanila, hindi na maayos ang takbo ng utak ko dahil kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Natatakot ako, takot na takot ako.

Narinig ko ang mabilis na pag-awat sa kaniya ni Felice bago ako hawakan sa balikat. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng cr, mabuti na lamang at walang ibang pumapasok.

Napatikhim si Felice. "T-totoo ba, Criselda? Baka..b-baka mali lang 'yung result..i-i-itry mo ulit baka negative na ang..lumabas." Ramdam ko rin ang takot sa kaniyang boses, ramdam ko rin ang panlalamig ng kaniyang kamay.

Hindi ko na rin napansin pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa pisngi ko. Ni hindi ko alam kung sino ang tatay ng dinadala kong 'to dahil maski ang pangalan niya ay 'di ko alam! Pati nga rin ang mukha niya ay 'di ko matandaan!

"H-hindi ko na alam ang gagawin k-ko..paniguradong..paniguradong magagalit sa akin sila Mama..p-paano na sila gayung..g-gayung buntis ako?!" Bahagyang lumakas ang aking hagulgol, dala nang panghihina ay mabilis akong napaupo, ganoon din ang ginawa nila Nicole para magpantay ang paningin namin.

Mabilis akong binalot ni Felice ng yakap. "Sorry..sorry Criselda..kung hindi lang ako nag-ayang pumuntang bar edi sana hindi 'to mangyayari! I'm so sorry.." Narinig ko ang mahina niyang paghikbi habang yakap-yakap ako.

Aminado naman akong kasalanan ko 'to, lalo pa at ginusto ko rin naman na sumama sa bar, kasalanan ko na rin na basta-basta na lang akong sumama sa kung sinong 'di ko rin naman kilala, kasalanan kong masyado kong nilunod ang sarili sa alak. Kasalanan ko ang lahat.

At kasalanan ko rin kung bakit hindi ko na mabibigyan pa ng magandang buhay ang pamilya kong sa akin lang din umaasa.

Matapos non ay mabilis kaming bumalik sa classroom, tulala lamang ako, ni ang lesson na tinacle namin ay hindi pumasok sa utak ko. Rinig ko rin ang pagtatanong ni Darren kila Althea ngunit 'di siya nakatanggap ng kahit anong sagot dito.

Sasabihin ko ba kila Mama? Pero sa oras na sinabi ko 'to sa kanila, paniguradong 'di nila ako mapapatawad at natatakot akong mangyari 'yon.

"Hatid ka na namin, Criselda.." Mabilis na lapit sa akin ni Althea nang dumating ang uwian.

Wala na akong lakas para tumanggi dahil mabilis kong pinaunlakan ang sinabi niya. Hanggang sa makasakay kami sa kotse nila ay nanatili akong tikom, pilit nag-iisip ng solusyon.

Ipaglaglag ko ba 'to? Wala akong pera pang sustento rito. Hindi ko alam kung mabibigyan ko ba siya ng magandang buhay lalo pa at maging ako ay danas din ang hirap, paniguradong hindi ko siya mabibigyan ng magandang buhay.

"Salamat sa paghatid, mag-ingat kayo." Matamlay kong paalam sa barkada ko, kotse kasi ni Darren ang sinakyan namin na siyang may nag-aalala na ring tingin sa akin ngunit mas pinili kong iwasan 'yon.

Tumalikod na ako bago maglakad papasok sa bahay. Nanginginig maski ang kalamnan ko, pati ang tuhod ko ay nangangatal na dala ng takot.

"Nak, tagal mo naman?" Salubong sa akin ni Mama pagkapasok ko ng bahay, naabutan kong nagtutupi siya ng damit sa sahig habang si Papa naman ay nanonood na ng tv.

Kinagat ko ang labi ko, ang naglalaro kong daliri ay nasa tapat ng sikmura ko. Agad napansin ni Mama na hindi ako gumagalaw sa pwesto ko kaya agad niya akong pinagkunutan ng noo.

"Ma.." Garalgal ang boses kong tawag sa kaniya. "Buntis po ako.."

Ito na, harapin mo ang problemang ginawa mo Criselda, tutal malalaman din naman nila ba't hindi pa ngayon?

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now