KABANATA 4

839 33 2
                                    

Matapos nang nangyari ay hindi na ako kinausap pa nila Mama at Papa. Kinabukasan at nagsalo-salo kami sa harapan ng hapag nang tahimik lang dahil wala ni isang nagsasalita sa pagitan namin.

Ang hirap ng ganito, hindi ako sanay.

"Bakit ang tahimik ate?" Narinig kong tanong ng bunso naming kapatid na si Jenno kay Cassie na siyang pangalawa sa aming magkakapatid.

Tumikhim si Cassie bago lagyan pa ng ulam na itlog sa plato si Jenno. "Kumain ka na lang at 'wag nang magtanong pa."

Kaunti lamang ang kinain ko dahil wala akong gana, nauna na akong tumayo bago magpunta sa loob ng maliit naming cr at doon tahimik na sumuka. Nahihiya pa rin ako kila Mama, ayokong ipakita sa kanila na nahihirapan ako sa sitwasyon ko dahil ginusto ko rin naman 'to, na ako rin ang may kasalanan kung bakit ko nararanasan 'to.

Pumasok ako sa school na walang buhay, wala akong kinakausap isa man kila Nicole. Hindi ako galit sa kanila, wala lang talaga akong ganang makipag-usap ngayon.

"C-criselda..tapos ka na sa assignment?" Biglang lapit sa akin ni Althea.

"Oo."

Sumasama man ako sa kanila, pero hindi ko magawang kumibo. Iniisip ko pa rin ang hirap ng kalagayan ko, naglalayag ang utak ko kung paano bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ko.

"Criselda, sumabay ka na ulit sa amin. Ihahatid ka na namin." Anyaya sa akin nila Darren nang dumating ang uwian. Inilagay ko na muna ang mga gamit ko sa bag bago sila harapin.

Bahagya akong umiling sa kanila. "Hindi na, may pupuntahan pa ako."

"Saan ka pupunta? Sasamahan ka na namin." Hinawakan ako ni Felice sa braso para pigilan ngunit mabilis akong umiling sa kanila.

"Hindi na, kaya ko naman. Mauna na ako, ingat kayo sa pag-uwi." Bago pa man nila ako mapigilan ay mabilis na akong lumakad palabas ng classroom.

Kailangan kong pumunta sa bar para hanapin ang estrangherong 'yon. Wala na akong maisip na paraan, ayoko nang dagdagan pa ang paghihirap ng mga magulang ko, lulunukin ko na lahat ng natitira kong pride para humingi ng tulong sa lalaking 'yon tutal mukha naman siyang mayaman, isa pa, pareho naming anak 'to.

Anak namin..

Mariin akong napapikit dahil doon. Sumakay ako sa tricycle patungo sa bar na pinuntahan namin noong birthday ni Felice. Habang nasa byahe ay tahimik na naglalayag ang utak ko, umaasa na makikita siya roon.

"Dito na lang po Manong."

Mabilis akong bumaba sa tricycle, matapos kong iabot ang bayad ay nagpasya akong lumakad na papasok sa loob ng bar. Mabilis kong kinuha ang panyo ko at itinapat sa aking ilong dahil sa amoy ng sigarilyo at alak.

"Sana nandito siya..hindi puwedeng wala dahil ito na lang ang last chance ko..siya na lang.." Bulong ko sa hangin.

Iginala ko ang aking paningin, inisa-isa ko ang mga taong nakaupo sa sofa. Mabuti na lang at rumihistro ang pagmumukha niya sa aking utak makailang araw ang lumipas, dala na rin siguro nang sobra-sobrang pag-iisip sa nangyari.

"E-excuse me miss.." Hinarang ko ang babaeng nakataas na sa akin ngayon ang kilay, bahagya akong napatingin sa hawak niyang baso na may lamang alak, sa kabila niyang kamay ay may hawak siyang sigarilyo.

Napatikhim ako bago ibaling sa mga mata niya ang paningin ko. "M-may nakita k-ka bang..lalaking singkit ang mata, matangkad, may kaputian..t-ta--"

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now