Chapter 6

865 28 6
                                    

"MAMA!" Mabilis nanguna si Mia sa loob.

Bwesit.

Kahit naiilang ay sinubukan kong tagalan ang magkahawak-kamay namin ni Hendrix. Bahagya pa akong napatingin sa kaniya ngunit wala naman akong nakikitang bakas ng kaba o takot sa kaniyang mukha.

"Ano?! Hindi niyo alam kung sinong ama ng anak ni Criselda?! Aba eh kay landi naman! Nagpabuntis sa lalaking hindi naman pala kilala!" Muntik nang magpantig ang dalawang tenga ko nang marinig 'yon kay Tita Esme.

"Ate!" Bakas ang galit at pagkapikon sa mukha ni Mama na ngayon ay awat-awat na ni Papa, maging ang iba ko pang mga Tita ay bakas ang pagkadismaya sa mukha.

"Ma.." Mabilis nangingibabaw ang boses ko, sabay-sabay naman silang napatingin sa akin ngunit agad ding napunta sa lalaking katabi ko. "M-ma..si Hendrix..boyfriend ko.." Muntik pa akong masamid sa sinabi ngunit papangatawanan ko iyon lalo pa at ayokong aminin na nakipag-one night stand ako sa isang estranghero.

"S-siya ba?" Bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Mama, agad ko ring narinig ang singhapan ng mga Tita at Tito ko. Si Mia naman ay wagas kong makatitig kay Hendrix na akala mo ay walang boyfriend.

Magsasalita na sana ako ngunit bahagya akong natigilan nang biglang lumapit sa kanila si Hendrix at bahagyang nag-bow. "Good afternoon po, Tita..Tito..my name is Hendrix Chen, Criselda's boyfriend, and the father of our child."

Ilang segundong walang umimik. Bago pa man magwala si Mama ay agad akong kumapit sa braso ni Hendrix na bahagya pang napalingon sa akin.

Shit, baka mamaya masampal pa 'to or mabalatan nang buhay!

"Aba.." Nalipat ang paningin namin kay Tita Esme na siyang napapalunok pa habang kinikilatis ang kabuuan ni Hendrix. "Chen? Chinese ka?"

"Yes, I'm a half Chinese." Agarang sagot ni Hendrix bago tumingin sa dalawang magulang ko na bahagya pang nagkakatinginan. "Pasensya na po kung ngayon ko lang nadala ang sarili ko sa inyo, dahil na rin sa kagustuhan ni Criselda. Nandito po ako sa harapan niyo para sabihin na pananagutan ko po ang anak naming dalawa--"

Mabilis naputol ang sinasabi ni Hendrix nang bigla siyang duruin ni Mama. "Alam mo ba ang sinasabi mo?! Bakit?! Kaya mo bang pakainin at bigyan ng magandang buhay ang Anak ko?! Sa nakikita ko mukhang estudyante--"

"I'm already 26 po," Maski ako ay gulat na napatingin kay Hendrix na maganda pa ang pagkakangiti kay Mama. "I have a tons of property, I'm a billionaire so I can give Criselda and our child a better life. I'm a CEO of a big company, apart from that..I'm also a professor and an Engineer." Walang bakas ng yabang 'yon! Magalang pa niyang sinabi iyon sa harap ng mga kamag-anakan ko, pati na rin kila Mama na halatang gulat din sa narinig!

"Omg!" Naputol ang mahabang katahimikan nang biglang tumili si Mia. Bahagya akong napaatras nang bigla niya akong itulak bago lumingkis sa braso ni Hendrix, bahagya pa akong napatingin sa dibdib niya halatang sinadya niyang idikit sa braso nito. "Ang yaman yaman mo naman pala! Edi may kotse ka? Van? Ferrari?"

Kinagat ko ang labi ko nang biglang tanggalin ni Hendrix ang pagkakalingkis sa kaniya ni Mia at mabilis na lumapit sa akin, bahagya akong nagbaba ng tingin sa kamay niyang mabilis pumulupot sa bewang ko.

"Of course, marami akong iba't-ibang klase ng mga sasakyan na ipapamana ko sa magiging anak naming dalawa ni Criselda." Nakangisi niya pang sagot.

Carrying The Billionaire's HeirOnde as histórias ganham vida. Descobre agora