KABANATA 1

1.3K 39 6
                                    

WARNING: SPG

"Criselda! Bar mamaya? Libre ko." Anyaya sa akin ni Felice isang araw dahilan para mapangiti ako.

Libre..at bar? Gusto kong maranasan na makapunta sa bar..

Kinagat ko ang labi ko, nahihiya akong tanggapin ang alok niya dahil baka mamaya ay kay dali ko lang sumama kapag usapang libre na, pero kapag kkb ang dami kong dahilan, na hindi ako papayagan ni Mama.

"Uhm, papaalam muna ako Felice." Ngiti ko sa kaniya dahilan para makita ko ang kaniyang pagsimangot.

"Sumama ka na, birthday ko naman eh. Para kompleto na tayo."

Si Felice ang maganda at mayaman kong kaibigan. Minsan nga nakaka-intimidate siyang kasama, nasa kaniya na rin ang lahat kaya minsan hindi ko maiwasang ma-iinggit sa kaniya.

Sinubukan kong magpaalam kay Mama, pero ang sinabi ko ay sa bahay lang ni Felice dahil imposibleng payagan niya ako sa bar lalo pa at strikto ang mga magulang ko kahit pa 19 years old na ako.

"Baka naman magpa-abot ka roon ng hating gabi, Criselda. Umayos ka ah." Pagpapaalala sa akin ni Mama pero masyado akong na-excite nang malamang payagan niya ako.

Kaya dumaan ang ilang araw ay dumating ang kaarawan ni Felice, masyado akong na-excite kaya maaga pa lang ay nag-ayos na ako suot ang luma kong dress.

"Hay! Buti naman at na-kompleto na rin." Pagpaparinig ni Darren, na alam ko namang ako ang pinaparinggan dahilan para sumimangot ako.

Nilingon ko siya na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan patungo sa bar. "Pasensya naman kung ngayon lang napayagan." Ismid ko pa sa kaniya.

Walang paglagyan ang saya ko, dahil sa unang pagkakataon mararanasan kong makapasok sa bar na nakikita ko lang sa isang drama.

"Pagkakataon ko na 'to, baka ngayon na ako makahanap ng jowa." Excited pang usal ni Althea na siyang nagpatawa sa amin.

Hindi mapakali ang sistema ko habang naglalakad na papasok sa loob ng bar, sa labas pa lang ay naririnig na namin ang malakas na sound system na nang-gagaling sa loob.

"Wow.." Namamangha ko pang bulong habang nakatingin sa buong paligid, langhap na langhap ko ang magkahalong amoy ng sigarilyo at alak. Nasa dance floor ang karamihan.

"Tara dali! Selfie muna tayo para may pang-myday!" Tili ni Felice dahilan para tatawa-tawa kaming nagpose sa harap ng kaniyang phone.

"Oh, gatas lang orderin mo Criselda, bata ka pa naman." Pang-aasar nanaman sa akin ni Darren dahilan para mapairap ako.

Inismiran ko siya. "Tumigil ka Darren ah, nandito tayo para magsaya kaya 'wag kang magsimula diyan." Banat ko pa ngunit tinawanan niya lamang ako.

Kainis, parang 'di mabubuhay kung 'di ako maasar.

Hindi ko na napansin pa ang oras, ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng pangyayari sa buhay ko.

"Happy birthday, Felice!" Hinalikan ko siya sa pisngi, tuluyan nang nilamon ng alak ang sistema ko habang may hawak-hawak pang baso na may lamang Rhum.

Humagikgik siya sabay taas sa kaniyang baso. "Ang wish ko..s-sana payagan na si Cris sumama s-sa mga gala natin!" Sigaw niya pa dahilan para sabay-sabay kaming matawa bago pag-untog-untugin ang mga hawak naming baso.

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now