Chapter 7

1.4K 47 7
                                    

Mabilis akong naalimpungatan nang marinig ang ingay sa labas ngunit awtomatiko naman akong nagbaba ng tingin sa brasong nakayakap sa bewang ko.

"Hendrix.." Inaantok ko pang usal sa kaniya, tulog na tulog pa ang loko. Halos 'di ako makagalaw dahil pati ang isa niyang binti ay nakadantay pa sa hita ko!

Ang kapal ha!

Saglit akong nagkaroon nang pagkakataon na matitigan ang mukha ni Hendrix. Ito na ang pangalawang beses na natitigan ko nang ganito kalapit ang kaniyang mukha. Asta ko na sanang iaangat ang kamay ko para hawakan ang kaniyang pisngi ngunit bahagya akong nagpakislot nang mabilis kong namataan ang mabilis niyang pagdilat.

"Good morning.." Namamaos niyang sabi, tuluyan akong napaiktad nang isiksik niya pa ang kaniyang mukha sa aking leeg!

Mabilis ko siyang hinampas sa balikat. "Namumuro ka na ah! Alis na! May pasok pa ako!" Pikon kong pananaway sa kaniya.

Agad nangingibabaw sa pandinig ko ang malalim niyang halakhak bago ako marahang pakawalan. Hindi na rin naman ako nag-aksaya pa ng oras na tumayo mula sa pagkakahiga.

"Anong oras ba ang pasok mo? Ihahatid kita."

"Tss, 'di na. Umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na ng magulang mo." Mabilis kong tanggi bago silipin ang oras sa cellphone.

7:30 am na agad?! Hindi naman ako nagpuyat kagabi!

Bahagya akong sumulyap kay Hendrix na ngayon ay nakatukod pa ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya habang nakaangat ang paningin sa akin, pinapanood ang bawat kilos ko habang nakaupo.

Ngumisi siya. "Wala ang parents ko rito, nasa China. Besides, may sarili akong bahay kaya malaya akong gawin kung anong gusto ko." Nagmamayabang niya pang untag.

Tsk, nakalimutan kong bilyonaryo nga pala 'to. Isa pa 26 na siya kaya tapos na rin siya sa pag-aaral!

"Edi pumasok ka na sa trabaho mo, huwag ka nang mag-abala pang ihatid ako sa school." Ismid ko sa kaniya bago siya talikuran, agad akong humanap nang maisusuot sa loob ng cabinet.

"Come on, I'm the boss so I have the rights to do what I want, Criselda," Ani nito habang patuloy ako sa paghahanap nang maisusuot ngunit muntik pa akong mapatalon nang bigla akong balutin ng yakap ni Hendrix mula sa likuran ko. "Habang patagal nang patagal..naaadik na yata ako sa'yo." Malambing niyang dagdag.

Mariin akong napalunok nang maramdaman ang bigla niyang pagsimsim sa leeg ko! "Hendrix.." Gusto kong mahiya nang wala sa sarili akong mapadaing dahil sa ginawa niya dahilan ng kaniyang paghalakhak.

"Hmm..do you want more? My baby's wants me to suck her neck." Tumawa siya sa tapat ng aking tenga dahilan para muli akong makaramdang ng kiliti roon.

Ramdam ko ang mabilis na pag-init ng dalawang pisngi kaya bago pa man may mahahuli sa aming dalawa ay mabilis ko na siyang tinulak palayo sa akin.

Nang balingan ko siya ay mabilis ko siyang dinuro. "Tumigil ka, Hendrix ah. Hindi tayo mag-on para umasta ka nang ganiyan, tatay ka lang ng anak ko pero walang namamagitan sa atin." Akala ko ma-ooffend siya sa aking sinabi ngunit muli lamang sumulyap ang ngisi sa kaniyang labi.

"I won't allow that, I want you to love me Criselda. Pagkatapos mong manganak ay magpapakasal ka agad sa akin," Bigla siyang humalukipkip. "Gusto mo bang hindi kasal ang magulang ng magiging anak natin? You choose." Nakaangat ang isa niyang kilay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Carrying The Billionaire's HeirWhere stories live. Discover now