Chapter 22

7 2 0
                                    

Iniwan nya 'kong tulala matapos nyang sabihin 'yon. Isang minuto pagkatapos nyang lumabas ay pumasok naman sina Sean, Chloe, at Alex. Sina Jayne at Gray ay mukang sumunod kay Greg dahil wala na sila dito.

"Anong nangyari?" Mabilis silang nakalapit sa akin.

At this point, I feel like I don't want them to know what he said. Dahil maging ako ay naguguluhan. Parang magkakalayo ang sinabi nya..

Sabi nya hindi nya ko papatayin dahil ako dapat ang mamamatayan.. Then he tried to kill me but he can't? And lastly...

Why is he questioning my love for him? How can he say that I don't trust him enough? What is he saying?

Tumingin ako kay Chloe nang hawakan nya ang braso ko. "Are you okay?"

Umupo ako sa kama ko na nagtataka parin. Hindi ko na matandaan ang iba nyang sinabi dahil hindi ko naman ito lubos maunawaan. Tumingala ako kay Sean.

"Nagkita ba kayo paglabas nya? What did he say? A-ano sa tingin mo ang nararamdaman nya?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"Not the usual," si Alex ang sumagot. "He's emotionless kaya hindi ko masasabi kung ano sa tingin ko ang nararamdaman nya. Why?"

"Bakit? Nong sinabi nya sayo, Kim?"

Hindi ako sumagot. I don't want to tell them what he said. Hindi nila pwedeng malaman.

Gulat akong lumingon sa pinto nang bigla itong bumukas at basta basta na lang pumasok si Gray. Nasa likod nya si Jayne.

"All of you, follow me to the punishment room," seryosong utos nya. Lalabas na ulit sana si Gray ngunit agad ding bumalik at humarap samin nang magtanong si Alex.

"What's happening?"

"We have an urgent meeting. Ah, nakalimutan kong sabihin.. hindi ka kasama," turo nya sakin.

Naguguluhan man ay hindi na rin ako tumutol. Ayoko munang lumabas ng kwarto.

"Tungkol saan ang meeting? Bakit hindi sya kasama?" Bakas ang paghihinala sa tono ng pananalita ni Sean. "If this is about your friend, I'm not going to listen to your biased shit."

"Sean, calm down."

"My friend? Kaibigan ko lang? That's bullshit.." Sarkastiko syang tumawa. "He's so dumb to see you as one of his true friend. But sorry to tell you, Sean.. I am the president of the student council and you do not have the right to disobey me," may diing sambit niya.

"Tungkol kay Greg?" Tumayo ako. "Sasama ako."

"No," agad na tutol nya.

"Pero, Gray---"

"If you don't want me to kill him without them hearing his side, fine. You can join us."

Agad akong natigilan sa tangkang paglapit sa kanya. He's too serious. Mukang hindi sya nagbibiro sa mga sinasabi nya.

"Hindi ako sasama," pagmamatigas parin ni Sean. "Wala akong pakialam kahit patayin mo pa sya."

"Hindi sya mamamatay dahil hindi naman sasama si Kim. Hindi ko naman sinabing mamamatay din sya kapag hindi ka sumama. Para kay Kim lang 'yon."

Hindi na nya sinagot pa si Gray at tumingin na lamang kina Chloe at Alex.

"Wag nyong sabihing pakikinggan nyo sya?"

"I know you two talk a lot of times already," Chloe answered. "Until now, he's still can't be able to change your mind. Makes me wonder kung hindi ka lang ba talaga naniniwala sa mga sinabi nya o baka naman hindi mo lang talaga sya hinayaang magsalita.. Kaya gusto ko syang marinig. I don't want to be one sided."

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now