Chapter 3

14 3 0
                                    

"Anong nangyari?!" Bungad naming lahat pagdating namin sa clinic nang sabihin samin ni Chloe na nahanap na nya si Jom.

"Oh my gosh, Chloe! How did you find him at 4 am?! Gosh!"

"Hindi lang ikaw ang tao dito, Kim. Lower down your voice." Saway nya sakin imbes na sagutin ang tanong ko.

"Pwede ko bang gamitin ang isa sa mga kama dito? Tutal eh nakita na din naman si Jom, tulog muna ko.." Naghihikab na bulong ni Sean at dire-diretsong humiga doon sa katabing kama ng kay Jom.

"Did you sleep?" Alex asked her.

"No, obviously. I can't sleep knowing that he's with my sis---" Natigilan sya sa sinasabi, kumunot naman ang noo ko. "k-knowing that he's m-missing, I mean.."

"Sis? Sis what?" Mukang bahagya pa syang nagulat nang panliitan ko sya ng mga mata. "Sister?"

"A-ahh... Kim, I---"

"Charot lang! Hahahaha! 'to naman kabado agad eh. Itulog mo na lang yan!"

Bumagsak ang mga balikat nya na tila nakahinga ng maluwag. Mukang inaantok na rin talaga sya.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagsend ng message.

To Alex:
I think there's something she doesn't want to tell us.

Nagnotif naman agad 'yon sa cellphone ni Alex. Ni hindi manlang sya nag-abalang kunin ang cellphone nya.

"I know." Sagot nya sa akin kahit hindi pa nya tinitignan ang message ko. Humarap sya kay Chloe. "We're staying here so you can sleep na rin. We'll take care of him."

"Pero---"

"Ikaw na ang naghanap. Let us do something for him this time. Kaibigan din namin si Jom."

Napabuntong hininga na lamang sya at dumiretso sa pinto. Akala ko dito sya matutulog.

"Where are you going?"

"You can sleep here if you want. There's no other patient naman ah!"

"Meron, Kim. Kaya wag kang masyadong maingay at hindi lang kayo ang tao dito. Besides, I don't want to sleep here with them."

Tumabi sya sa gilid ng pinto. Nagulat ako nang bigla na lamang iyong bumukas at sunod sunod na pumasok sina Greg, Gray, at Jayne. Nakakunot ang noo at gulat na tumingin ako kay Chloe.

"You called them?" Turo ko doon sa tatlo.

Dire-diretso silang pumasok sa loob at parang hindi man lang kami napansin samantalang nandito lang din naman kaming tatlo sa pinto.

"No. Why would I call them? Sabi ko naman sayo hindi lang tayo ang tao dito."

"Anong nangyari?!" Muli akong lumingon doon sa tatlo nang sumigaw si Gray. Si Zhack ay kanina pa nandito.

"Bakit parang hindi ko naman sya nakita kanina?" Tanong ko kay Chloe.

"Hindi naman kasi sya maingay."

"Kamusta na sya, Kuya?"

They look really worried.

"Saan mo sya nakita? Bakit pati sya nawala? Tsaka bakit wala syang malay? Hala! May sakit sya?!"

"Nagkakasakit ba si Rein?"

"Anong sabi ng Nurse? Gagaling pa ba sya?!"

"Ang lamig ng katawan nya! May sakit ba 'to?"

"Oo nga! Halos kasing lamig na sya ni Jayne oh.. Oh! Oo nga! Kasing lamig na sya ni Jayne! Bakit ganon?"

"W-wag mong sabihing..."

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now