Chapter 20

7 2 0
                                    

"Kim!" Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagkatok sa pinto ko. "Kim, nandyan ka ba?! Kim!"

Punyeta, Gray! Ang aga aga!

Kumuha ako ng unan at nakapikit na hinampas kay Greg. "Pagbuksan mo nga 'yong kaibigan mo.."

Nang umungol lang si Greg, halatang hindi pa gising, ay hinampas ko na ang dibdib nya.

"Buksan mo.." inaantok pang bulong ko.

"Kim, nandito si tita Jen!"

Mabilis akong napabangon sa kama dahil sa sinabi ni Sean. Halos sabay pa kami ni Greg na tumayo.

"Nandito si Mommy.." gulat na bulong ko.

Nilingon ko si Greg nang marinig ang sinasadyang pagbagsak nya sa sahig. Mabilis syang nakapasok sa ilalim ng kama ko.

"Anong ginagawa mo?!" sinilip ko sya sa ilalim.

"Wag mong sasabihin sa kanilang nandito ako!"

Tuluyan na akong tumayo nang marinig na may tumawag nanaman ng pangalan ko sa labas. Ang kukulit! Hindi marunong manggising nang maayos.

"Sandali!" sigaw ko sa kanila bago buksan ang pinto. "Ano ba yon?!"

"Sinusundo ka na ng ina mo, gaga!" Si Gray ang unang bumungad sa akin. Nasa likod nya sina Jayne, Sean, Chloe, at Alex.

"Ang bilis naman!"

Salubong ang kilay ko dahil bagong gising pa nang isarado ko ang pinto ng kwarto ko at lumabas.

"Ano?! Hindi ka manlang ba magpapalit ng damit mo?!"

"Sus! Hayaan mo na!" Dirediretso akong naglakad pababa kahit nakapantulog pa ako. Malapit lang naman ang office ni Dean.

Habang naglalakad ay nag-iisip na ako ng palusot na pwedeng gawin para hindi na 'ko ilipat ni mommy. I've changed my mind already. Ngayon pa ba 'ko aalis kung kailan nalaman ko nang mahal din pala ako ng lalaking mahal ko? Ngayon ko pa ba sya iiwan?

Pinauna ko si Gray nang makarating sa office ni Dean para sya na ang magbukas ng pinto. Hindi nga sila nagbibiro. Pagpasok ko ay nasa loob din si Mommy at mukang naguusap sila ni Dean bago kami dumating.

"Kim," kaagad syang tumayo nang makita ako. Lumapit sya sakin at tinignan isa isa ang aking mga kasama.

Bumeso sa kanya sina Alex at Chloe. Binati naman sya nina Gray, Sean, at Jayne.

"Bakit ko ba kailangang lumipat?" nakangusong tanong ko sa kanya. "Alam mo namang sila lang ang friends ko.. Ayokong mahiwalay sa kanila." pagmamaktol ko pa.

"Oo nga naman, tita. Ang tagal na naming kasama si Kim. Bakit po bigla nyo na lang napagdesisyunan na ilipat sya?" Tanong din ni Chloe.

Napabuntong hininga na lamang si mommy at mukang wala parin talaga syang balak sabihin kung bakit. Ano bang dahilan nya at bakit parang hirap na hirap syang sabihin.

"Naayos ko na lahat ng kailangang ayusin para sa bagong school mo, anak. Sa bahay na lang tayo mag-usap."

"Mommy..."

Halos gusto ko nang umiyak dahil alam kong hindi ko na talaga sya mapipilit. Pero ayokong umalis dito. Ayoko silang iwan.

"Isasama na kita pag-alis ko dito. Kunin mo na yung mga gamit mo at aalis na tayo."

"Mommy, naman---"

"Kim," sumeryoso na ang boses nya. "Iuuwi na kita ngayon."

Nang hindi makuha sa pakiusap ang aking ina ay kay Dean naman ako humarap para magmakaawa. Umiling sya at tumayo para kausapin ako. Hinawakan nya ako sa parehong braso.

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now