Chapter 15

5 3 0
                                    

"Lights.. Camera.. Action!" Napairap ako sa madamdaming sigaw ni Greg na iyon habang sabay kaming naglalakad palapit sa iba pa naming mga kasama. "Kim, muka kang kangaroo---"

"Shut up! Shut up! You're so nosy! Kanina ka pa ah.." Dinuro ko sya bago tuluyang makalapit sa kanila.

Pagkatapos ng nangyaring gulo sa classroom namin ay tatlong araw pa kaming nagpatuloy sa pagte-training. Mukang atat na atat yatang makita ni Rein ang kakambal ng kaibigan ko kaya ngayon ay sasadyain namin sya dito sa gubat.

"Halos di na nga nagsasa---" Pasimpleng binangga ko sya ng siko ko nang harapin namin sina Jom.

"Good morning!" Masiglang bati ko kina Alex, Sean, Chloe, Jayne, Gray, at jom.

Hinanap ko ang kulang.

Wala pa dito sina Rein, Zhack at Jin.

Pumulot ako ng isang maliit na bato at itinaas iyon para ipantay sa mata ko. And threw it to the target.

"Aray!" Agad na reklamo ni Gray. "Ano nanaman?! Kay aga aga!"

"Kuya mo?"

"Bakit ba palaging sa akin mo tinatanong si kuya?! Laging hinahanap, parang tanga eh.." Bubulong bulong pang aniya habang pinupunasan ang pisnging tinamaan.

"Shut up, shut up, 'no?" Sarkastikong panggagaya ni Greg sa sinasabi ko kanina, Lumagay say sa harap ko. "Pagkatapos mo 'kong talikuran ay doon ka makikipagdaldalan sa ibang tao!"

"So?" Pinanlakihan ko sya ng mata. "And FYI, ha? Hindi ako nakikipagdaldalan! I'm just asking him!"

"Edi sakin ka magtanong!"

"Oh, sige! Nasaan si Zhack?" Yun ang tanong ko kanina, diba? Kapag hindi nya nasagot yan, ipapakain ko lahat ng bato dito.

"Bakit ba palagi mo na lang syang hinahanap? Lagi ka na lang nagtatanong, para kang tanga."

Inangat ko ang kamay ko para batukan sya. "Inulit mo lang eh.." Pinagramble ramble lang yung words.

"Oh, diba? Same answer! Tatanong pa sa iba eh.."

"Tama na ang landian. Tama na ang landian. Tama na ang landian." Sabay at paulit ulit na sabi nina Alex at Sean sa gilid namin, umiikot pa. "Let's go na daw."

"Ha? Eh paano tayo aalis kung wala pa sina Kate?" Jom asked.

"Nandyan na sila." Sinundan naming lahat ang direksyon kung saan nakaturo si Jayne.

"Pare!" Sinalubong nina Greg at Sean si Jin.

"Pare!" Ginaya ko ang ginawa nila at hinatak si Jayne palapit kay Rein dahil sya ang pinakamalapit.

Hinawakan ko yung kamay ni Rein at inilayo ng konti sa mga kasama. Tsaka ako bumulong.

"Anong nangyari? Bat magkasama kayo ng ex mo?"

"Pinatawag kami ni Dean." Walang ganang sagot nya.

"Bakit?"

"May binigay lang."

Hindi pa ako nakakapagtanong ulit ay iniwan na nya 'ko sa gilid. Dumiretso sya sa iba pa naming mga kasama.

Kunyari pa. Si Jom lang naman talaga ang gusto nyang makita.

"Ready na lahat?" Tanong ni Jin.

"Ready na!" Sabay sabay na sagot naming apat. Kaming apat lang.

Kinapitan ko ang dala kong bag pack na nakasukbit sa parehong balikat ko. Ganoon din naman ang dala nilang lahat.

Sabi kasi ay maghapon daw kami don pero posible rin daw na mag overnight. May dalang tent sina Jin at Gray.

Pare pareho din kaming mga naka-jacket dahil malamig dito sa umaga. Baka rin kasi malamig sa loob ng gubat.

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now