Chapter 21

7 2 0
                                    

"What?"

"You heard me."

Hindi ako makapaniwalang nagpabalik balik ang paningin sa kanilang dalawa ni mommy.

I can't be mistaken. Alam ko ang itsura ng lalaking nakasama ko noon. Ganong ganon ang mukha nya nang mamatay sya. He's eleven years older than me that time. I think he's around 16 when I was 5. Kung teenager na sya, matanda na rin dapat ang parents nya.

"H-hindi totoo yan, Sean. Kayo ang nagkakamali."

"Oh, I don't wanna be part of this conversation anymore," my mom put her both hands in front of her as she said. "Kim, let's go."

"No. I'm staying here."

"Kim!"

"Sabihin mo sakin kung paano nangyari 'to. Kung si Gale nga talaga ang namatay nung araw na 'yon, bakit patay na rin si Greg?" Nagbabakasakaling tanong ko.

Kahit papaano ay umaasa parin ako. Na sana ay mali ang iniisip ko. I wish to be wrong this time. Pero base pa lang sa nakikita kong reaksyon nya, alam ko nang bigo ako. Hindi sya makasagot sa akin.

"Mommy.."

Nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha ko dala ng pagsuko. Alam kong hindi nila kayang gawin 'yon gamit ang sarili nilang mga kamay. Ngunit kayang kaya nilang ipagawa sa iba kung gugustuhin nila.

At kahit pa kaya ko ring gawin 'yon sa iba... Hindi ko kayang tanggapin. Si Greg 'yon. Wala syang kasalanan sa nangyari pero sya ang pinagbayad.

"I love him," wala sa sariling bulong ko, umaasang magiging sapat na rason iyon para kaawaan nya ako at baguhin nya ang nakaraan. "Please.. p-please, tell me. Tell me you're not involved with his death."

Unti unti ay humupa ang kaninang inis na nararamdaman nya dahil sa pagmamatigas kong hindi pagsama sa kanya. Nasilayan ko nang muli ang tunay na sya nang tigilan na nya ang pagpapanggap.

"We did this for you."

"No! You did this for your own sake! Wag mo na kong idahilan.." halos ibulong ko na lamang iyon dahil pakiramdam ko'y tinatakasan na ko ng lakas.

Nakakapanghina ang nakikita kong reaksyon sa aking ina. Na kahit pa halos lumuhod na ko sa harap nya, parang wala syang pakialam.

"Hindi ka manlang ba nakokonsensya? Hindi ka talaga nakakaramdam ng kahit kaunting awa? Aayusin nyo lang ngayon dahil mahihirapan na kayong kalabanin ang taong namatay na, hindi ba? Hindi dahil sa nagi-guilty ka? Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka talaga kasama?"

Tinalikuran nya ako na parang walang narinig. Inalalayan ako ni Sean nang halos bumigay ang tuhod ko sa sobrang panlulumo.

Hindi ako makapaniwalang ang sarili kong ina ang sisira sa akin. Sarili kong mga magulang.

Nabitawan ni Sean ang mga braso ko nang bigla akong tumakbo. Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon. Laking pasasalamat ko na lang at walang gumambala sa akin.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak at pag-iisip ng mga bagay bagay. Kinabukasan, bago pa may kumatok sa kwarto ko ay gising na 'ko. Nanatili ako sa kama.

"Kim, mag-usap tayo."

Patuloy parin sya sa pagkatok. Nang hindi ko buksan ang pinto ay pinihit nya ang doorknob pero kahapon pa nakalock iyon.

"Gusto ko munang mapag-isa, Sean," sagot ko nang hindi tumatayo sa kama. Para matahimik lang sya.

Narinig kong tumigil na sya sa pagpipilit na buksan ang pinto at ang mga hakbang nya palayo. Ngunit agad din akong napaupo mula sa pagkakahiga nang marinig ang kalasing ng mga susi at ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now