Chapter 4

8 2 1
                                    

Sumisikat na ang araw nang lumabas ako. Hindi pa gaanong matao sa labas dahil hindi pa naman oras para pumasok.          

Dito parin ako pumapasok.. Buhay ako. Nakabalik ako!

Pero bakit? Bakit naging tao na ulit ako? Saan ako galing? Saan galing ang katawan ko?

"Jayne?" Bulong ko nang makita ko sya sa labas ng building nila, may kalayuan din iyon samin.

Mukang kakalabas lang din nya. She looked around to see if someone's watching her. I hid immediately because I didn't want her to see me. Kumunot ang noo ko at nanliit ang mga mata sa mga kilos nya. Marunong na sya magtago ng secret ha..

I quietly followed her when she went to the back of their building. Napapansin ko ring malayo sya sa mga kaibigan nya nitong mga nakaraang araw samantalang dati ay halos hindi naman sya lumalayo kay Rein.

I wonder what happened to them while we're gone.. Naging sila na ni Greg. Good for him. Matagal na nyang gusto si Jayne.

Nagtago lang ako sa gilid at nakasilip lang sa kanya. Mag isa lang naman sya sa likod nung una pero maya maya lamang din ay may tatlong lalaki at dalawang babaeng lumapit sa kanya.

"We can't talk to you lately because you're always with them.." Magalang na sabi nung isang babae. Si Jayne ang kausap nya.

"Ayos lang, Senna. Anong balita?"

"May idea na kami kung sinong nagbabantay sa kanya. Kaya hindi dapat sya naiiwang mag-isa." Sagot naman nung lalaki.

Agad akong nagtago at sumandal sa pader nang mapunta sa akin ang paningin nung babaeng Senna yata ang pangalan. Mukang hindi naman nya 'ko nakita dahil nagpatuloy lang sila sa pag-uusap.

"Pero mukang lumalayo na din sayo si Greg, boss." Nagpantig ang mga tenga ko nang marinig ang pangalan nya. Mas lalo lang akong naging interesado sa usapan nila. "Nung mga nakaraan, madalas ay sina Jom na ang kasama nya.. si Kim. Hindi nila alam kung anong nangyayari."

"Pero wala rin namang alam sina Rein. Kahit pa sila ang kasama nya, wala rin."

"No. They will protect him like what we're doing. Kahit biglaan, kahit on the spot hindi naman papayag si Rein na masaktan yon."

"Pero mukang lumalayo na din sina Rein."

"Sa nakikita ko ay si Greg ang lumalayo."

Anong meron kay Greg? Bakit kailangan pa nya ng mga ganitong bantay? At bakit hindi alam nina Rein? Bakit parang si Jayne lang?

"Why don't we tell them?"

"Hindi pwede, Rica. Nasa ibang bagay ang isip ni Rein ngayon. Lalo lang syang magugulo."

"Pero kahit wala na si Chelsea---"

"Hindi naman sya nawala."

Natigilan silang lahat at nagugulat na tumingin doon sa lalaking nagsalita.

"Matagal na syang hindi nagpaparamdam, Zar."

"I know. But I have this feeling that she's still here. Alam ni Rein kung nasaan sya. Sigurado ako don."

Si Chelsea? Hanggang ngayon ay kasali parin si Chelsea? Lintek nga naman talaga ang babaeng 'yon ano.

"She's distracted by Jom's presence. Kahit na malapit ako ay mukang hindi nya napapansing pinapanood ko sila."

"Nandito o wala, as long as she's not doing anything to take him back, hindi na natin problema yon."

"What do you mean she's not doing anything eh may nakabantay nga. Kahit wala sya, meron paring katulad nya. I'm sure they're connected 'no."

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now