xxxiii . For a lifetime

25.4K 419 14
                                    

Hinila niya ang kamay ko at nilabas niya ako sa elevator. Pinanuod ko lang siyang bumuntong hininga bago pumasok ulit.

"You'll go down again? Akala ko parehas tayo ng pupuntahan." Hindi ko mapigilan na sabihin.

Ngumisi siya at pinasok ang isang kamay niya sa bulsa niya.

"I lied.. Wala akong gagawin dito. Tapos na ang meeting. May gagawin pa ako sa baba. I'll fetch you later, hahanapin kita kahit nasaan ka. So don't make plans for the evening." pinindot na niya ang ground floor bago pa ako makasagot.

Nakatitig pa rin ako sa kanya habang nagsasara ang elevator. Nakita kong ngumiti siya.

Napangiti din ako.

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at doon, napawi ang ngiti ko. Tama ba tong ginagawa ko? Umalis ako para makalimutan siya pero ito pa rin ako, walang pagbabago.

"Camille?" napalingon ako at nakita ko si daddy.

Madali ko siyang linapitan at yinakap. Napapikit ako.

"Dad, I'm confused" napakagat ako sa labi ko.

Mahal na mahal ko si Francis, pakiramdam ko pag pinakawalan ko pa siya pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kanina ay siguradong pagsisihan ko na.

"Follow your heart. We are always here for you" Banayad niyang wika.

Napangiti ako at nag angat ng tingin. Tinignan ko si daddy sa mata at nakita kong nakangiti siya sa akin.

"If this is about Francis, tandaan mo na kahit anong gawin mo.. mahal ka ni Francis. Pinatunayan niya iyon sa akin noong mga panahong wala ka. Ask Third himself, they're like brothers right now." Aniya.

Kuya Third? So tinupad nga niya ang pangako niya na kukunin niya ang loob ng pamilya ko.

"Is it okay to be selfish?"

Tumango si dad sa tanong ko pero ako ay napaiwas lang ng tingin. This is great for my comeback! Unexpected!

"Sometimes.. yes."

Napangiti ako. Inilagay ko ang kamay ko sa braso ni dad at naglakad na kami pabalik sa kotse.

Masaya kaming kumain nila mommy. I told them everything that happened simula nung huling punta nila sa L.A.

Sinabi ko sakanila na patuloy pa rin ang pagsusulat ko at babalik na rin ako sa dating kompanya na pinagtatrabauhan ko.

Umuwi din kami agad ni mommy at nakatulog na ako sa kwarto ko. Nagising ako nung malapit na mag seven pm. Napatingin ako sa cellphone ko at may message don.

'Seven o'clock pm. I'll fetch you. I love you'

Napaawang ang labi ko. Si Francis! Tumayo agad ako at tumingin sa salamin. Oh my gosh! Inayos ko ng konti ang buhok ko at lumabas ako. Ito parin yung suot ko kanina.

Nakakahiya!

Bumaba ako at nakita ko si mommy na nasa sala at nag se-sketch ng bagong designs.

"Mommy! Aalis lang po ako." Pamamaalam ko.

Nakita kong sumilay ang ngiti sakanyang labi. Wait.. something is wrong.

"I know.. Francis texted me. Itext mo nalang ako kung hindi ka uuwi ah. Ingat ka anak"

Napanganga ako. Literal na bumuka ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Ano bang nangyari sa loob ng dalawang taon na wala ako? Atsaka bakit hindi ako uuwi?

"Mom! Uuwi ako" giit ko.

Tumango tango lang siya. "Hindi ka.. I bet a million"

Parang siguradong sigurado siya at a-angal sana ako pero narinig kong may bumusina kaya tumakbo na ako palabas. Bago ko buksan ang gate ay huminga muna ako.

ReverseWhere stories live. Discover now