xvi . Old Issues

24.5K 450 5
                                    

"Ingat kayo ah" hinalikan kami ni mommy at pumasok na kami sa sasakyan. 

Ang magdadrive ay si Caly.

"Caly, dahan dahan sa pagmamaneho okay? The two of you should aways take care" sambit naman ni daddy nung binaba ko yung bintana.

Ngumiti ako at bahagyang kumaway pa.

"Always dad" sagot ni Caly at binuksan na ang kotse. 

Kumaway ako ulit at nag paalam na. Umaandar na ang sasakyan kaya sinarado ko ang bintana.

"Buti hindi ka sinundo ngayon ni Zicko?" tanong ko sakanya at in-on ang music.

"I told him na dumeretso na doon para naman magka alone time tayong dalawa. Siguradong wala tayong alone time doon" ngumiti ako sa sinabi niya.

"Saan ka pala galing kagabi? Nagising ako.. Wala ka eh" natigilan ako sa tanong niya. 

Kapatid ko siya kaya dapat ay maging honest ako. Gustong buksan ang sarili ko sakanila..

"Pinababa ako ni Francis. Nasa labas siya ng bahay natin kahapon" tumango naman si Caly at nagtaas ng kilay.

"Sister.. I'll be honest. Francis has this kind of reputation to other business men. Kasi alam mo.. every now and then, may babae siyang kahalikan or minsan naman dinedate. Sort of.. flavor or the week? Day? I dont know." natahimik naman ako sa sinabi niya. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko man siyang ipagtanggol ay hindi ko alam kung paano. Ako mismo ay hindi siya ganon kakilala. Ang sigurado ko lang sa pagitan namin ay ang nararamdaman ko sakanya na kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa iba.

"Pero alam mo Camille.. Hindi ko siya majudge kasi alam mo.. Zicko, Travis.. Alina's husband, Kuya Chand and some people I know started being a jerk but when they met the so called 'the one', they changed so maybe Francis is like that. I hope so.. or else I'll kill him if he makes you cry" natouch ako sa sinabi niya. 

Posible ba yun? Nagbago siya para sakin? 

Nalilito ako..

"Wala pa naman sa isip ko yan eh." depensa ko.

Gusto kong lokohin ang sarili ko na wala naman sa akin ang lahat pero hindi, alam kong hinayaan ko na siyang pumasok sa buhay ko simula nang isulat ko ang column tungkol sakanya.

Tumango siya at pumunta kami sa drive thru. Nag order kami at kumain.

"Later pala.. you'll meet our cousins, Alina, Kuya Chand and Kuya Third. Nandun din ang bestfriend ko na si Bea. Si Kuya Brian ata nandun din.. busy kasi minsan yun 'eh. Anak siya ni Tita Sab and Tito Nico. Si Zicko nandoon din, si Travis na asawa ni Alina and si Kuya Daniel na barkada nila." tumango naman ako. 

Medyo marami ata sila..

Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay. Kinwento niya yung pagiging mag bestfriend ng mga magulang namin at magulang nila Alina at ng mga tao na nandun din. Nalaman ko na sobrang malalapit pala sila kaya naging magkakaibigan din ang mga anak.

"Nandito na tayo!" excited na sabi ni Caly. 

Napatingin naman ako sa resort at nakita kong may grupo na papalapit samin. Nandoon din si Zicko.

"Sorry we're late" sabi ni Caly at yinakap si Zicko. 

Napangiti naman ako at inayos ang body bag ko.

"Wow! So this is Camille? You almost look the same.. 'di ba kayo twins? It's just.. Camille's Eyes is a replica of Tito James' Eyes" napatingin ako dun sa babaeng nagsalita. May nakahawak na kamay sa bewang niya.

ReverseWhere stories live. Discover now