xii . Pampanga

26.2K 472 2
                                    

Gumising ako ng maaga para makatulong sa pag aayos ng breakfast. Nagulat ako nung makita ko si Caly sa tabi ko. Dito siya natulog sa kwarto ko? 

Tumayo ako at kinumutan siya. Bumaba ako at nakita si mommy na inaayos ang tux ni daddy.

"Goodmorning mommy and daddy" napayuko ako sa sinabi ko. 

Medyo hindi pa kasi ako sanay. Lumapit ako sakanila at ngumiti sila sa akin.

"Ang aga mo bumangon?" tanong ni mommy.

"Tutulungan ko sana kayo sa pagluto" tinignan ko kung may nakahain na pero tama nga ako.. nagluluto palang si mommy.

"Sayang.. I wouldn't be able to taste it. I need to go to the office." hinalikan kami ni daddy sa pisngi at tumango nalang ako. 

"By the way Camille.. do you want to come with me? Pupunta ako mamaya sa Pampanga, may meeting ako sa isang hotel doon." Tanong ni daddy.

Ayoko sana eh.. baka kasi punatahan ako ni Francis. Pero.. bakit naman niya ako pupuntahan? Sabagay.. makakatulong din ito para makapag sulat ako. Dapat ay hindi siya ang isipin ko sa pagpunta doon. Ang oras na makilala pa si daddy ang importante..

"Sige po dad. Sasama po ako" sabi ko.

Nakita ko namang tumango si mommy at hinalikan si daddy.

"I'll fetch you later" aniya.

"Ingat po daddy" ngumiti ako at kinawayan namin siya. 

Pagkalabas niya ay kumuha ako ng apron para matulungan si mommy.

"Are you sure? I can do this alone" tumango ako at tinignan kung anong niluluto niya. Adobo at Caldereta.

"Yes mommy.. ayos lang po." tinulungan ko si mommy para matapos ang niluluto niya. 

Madami rin siyang naturo sa akin para mas maging masarap daw yung adobo at caldereta.

Umakyat ako at ginising si Caly. Sabay na kaming bumaba at kumain.

"This friday ay lalabas sana kaming magkakaibigan, mom.. kasama po si Alina. Pwede po?" sambit ni Caly habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Of course. Kasama ba ng pinsan mo si Travis? Si Zicko kasama?" sunod sunod na tanong at sagot naman ni mommy.

Hinayaan ko silang mag usap at kinuha ko na ang mga plato. Ibinigay ko iyon sa mga katulong.

"Yes mom.. kasama ni Alina si Travis pero hindi yung mga anak nila. Kasama din si Zicko syempre. Camille.. you want to come?" bumaling siya sa akin at buong sabik na niyaya niya ako. 

Wala ito sa plano ko.. pero mukhang excited na excited siya. Double task nalang.. mag susulat ako habang nandoon.

"Sure" ngiti ko at nakita kong sobrang saya niya.

"Umakyat na kayo at mag ready. Camille.. you'll be fetch by your dad's driver maya maya" tumango ako at umakyat na kami sa hagdan.

"Where are you going?"tanong niya.

"Sasama ako kay daddy sa pampanga" tumango siya at mukhang nalungkot.

"Maaga sana ako uuwi mamaya para dalhin ka sa mall. Sayang naman" ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.

"Next time" mukha namang natuwa siya doon pero natigilan ako nung mapahawak siya sa puso niya. 

Umakyat ang kaba sa dibdib ko.. may sakit siya sa puso diba?

"Caly are you okay?" maagap na tumango naman siya at pilit na ngumiti.

Hindi parin maalis ang pagaalala ko kaya umamba ako bumaba ulit pero pinigilan niya ako. Umiling siya at ngumiti ulit.

ReverseWhere stories live. Discover now