KABANATA XXVIII

784 44 12
                                    

"Bakla! Nabalitaan mo na ba?" Tanong ni Stasia kay Atasha na ngayo'y tahimik lang nakaupo sa upuan nito.

"Na?"

"May transferee at ito pa!" Maintrigang sagot ni Stasia habang nakatingin lang naman sa kaniya ang mga kaibigan.

"May magbabalik" Ngiting-ngiting dagdag pa nito kaya taka na lang naman siyang tinignan ni Atasha.

"Marites na marites ang datingan ah!" Asar na ni Shireen sa kaibigan kaya inirapan lang naman siya nito.

Magbabalik?

Hindi kaya si ---

"Max!"

"Oh my god! Maxim"

"Shuta ka! Dre!"

Rinig ng sigaw ng mga kaibigan nito kaya agad-agad naman napalingon si Atasha sa mga ito.

Matapos dumugin ng magkakaibigan si Maxim ay muli naman ng nagtagpo ang mga mata ng dalawa kaya agad naman napangiti si Maxim dito.

"Hi!" Nakangiting bati na ni Max kaya nanatili lang naman nakatingin si Atasha rito.

"Hi" Sagot nito kaya tumango na lang naman si Maxim bago siya lagpasan at maupo na sa dati na niyang upuan.

"Atleast nag hi pa rin sayo" Natatawang bulong ni Malory kay Atasha kaya inirapan na lang naman niya ito.

Pagkaupo ay agad naman hinarap ni Atasha ang kaibigan kaya taka naman itong tumingin sa kaniya.

"What?"

"Usap tayo mamaya" Diretsong sagot ni Atasha kaya agad naman nilapit ni Maxim ang mukha nito sa dalaga.

"Bigyan mo ko ng dahilan para kausapin ka, Aster" Seryoso pa rin aniya nito kaya bahagya rin naman nilapit ni Atasha ang mukha nito sa dating kasintahan.

"Hindi pa ba ako sapat na dahilan, Mitridates?" Diretsong sagot nito kaya bahagya naman natameme si Maxim bago tuluyang bumalik sa pagkakaayos ng upo nito.

"Hina mo pa rin pagdating kay Atasha" Asar na ni Johannes sa kaibigan kaya agad naman siyang siniko nito.

"Shut up"

Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang prof kasunod ng isang napakang babae.

"Coleen?" Rinig ng magkakaibigan na usap ni Collins kaya taka rin naman silang napatingin sa harapan.

"Kailan pa siya umuwi?" Tanong na ni Shireen sa nobya pero nagbikit balikat lang din naman ito.

"Hindi ba? May something sa kanila noon ni ---

"Huwag ka ng maingay, dagdag isipin ka pa e" Inis na saway na ni Malory sa nobyang si Gunther ng hampasin nito ang braso ng nobya.

"Nagsasabi lang e" Nakangusong usap na ni Gunther kaya inirapan na lang naman ito ni Malory.

Tahimik lang naman nakatingin si Maxim sa dalaga habang nagpabalik-balik naman si Atasha ng tingin kay Maxim at sa bago nilang kaklase.

"Hi! I'm Coleen Trinidad Ramirez. Vergara, sister of Collins Vergara, nice to meet you all" Nakangiting pakilala nito kaya napailing na lang naman napatingin si Collins sa kapatid nito.

"Bakit hindi ka nagsasabi? Dito ka nga sa tabi namin ni Shireen" Usap na ni Collins sa kapatid nito pero nginitian lang siya nito at humalik na sa pisnge ng kapatid

"Wala man lang welcome back?" Birong sagot nito sa kapatid bago halikan din ang pisnge ng nobya ng kapatid na si Shireen.

"Welcome back, Coleen" Masayang bati ni Shireen ng yakapin na ang batang kapatid ng nobya.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now