KABANATA VII

473 30 1
                                    

ATASHA'S POV

"Ate Atasha!" Biglang tawag sa akin ng isang bata na ngayo'y papalapit na sa akin, agad ko naman nilapag ang canvass at paint brush na hawak ko para lumuhod para salubungin ang batang babae.

Nandito ako ngayon sa isang park dahil weekeend ngayon ay naisipan ko naman muna mag unwind dito para na rin makapag pahinga saglit at magpinta kagaya na lang ng dati ko na rin ginagawa.

"Natasha?" Nasabi ko na lang ng mamukhaan na ang bata. Niyakap naman agad ako nito at ganon din naman ako sa kaniya.

Sa pagkakatanda ko, siya yung batang sobrang cute na cute nung enrollan sa school kaya lang hindi kami nakapag usap ng matagal dahil sa dami ng nagpapakuha ng litrato.

"Ang ganda niyo po talaga, Ate Atasha" Ngiting ngiting usap niya at muli akong niyakap.

Aww, ngayon ko lang narealize halos magkaparehas na pala ang mga pangalan namin, ang cute.

"Ikaw talaga" Nasabi ko na lang at pinisil na ang mataba niyang pisnge.

"Natasha!"

"Hindi ba sinabi ko sayong ---

"Mitridates?"

"Aster?"

"Arc, siya po yung sinasabi ko sayong idol ko" Ngiting ngiti na aniya ni Natasha sa kaniya ng muli itong lumapit sa kaniya.

Binalik naman na ni Mitridates ang paningin sa bata at seryosong tinignan ito.

"Anong sabi ko sayo? Huwag na huwag kang tatakbo at huwag na huwag kang lalayo sa akin, hindi ba?" Seryosong usap na nito sa bata kaya napailing na lang naman ako.

"Sorry Arc, nakita ko po kasi si Ate Atasha kaya ---

"Kaya umalis ka at tumakbo ka ng walang paalam?" Tanong pa nito sa bata kaya napayuko na lang naman ito.

Gustuhin ko man awatin si Mitridates ay tama lang din na pangaralan niya ang bata dahil sa maling ginawa nito.

Pero ang cute kasi kawawa naman ang baby.

"Okay na yon, hindi naman na uulitin ni Natasha yon" Usap ko na kay Mitridates at muling nilapitan si Atasha para yakapin.

"Hindi mo na uulitin yon hindi ba baby?" Tanong ko na sa kaniya kaya agad naman siyang tumango at nagpunas ng luha.

"Okay, enough na, hug and kiss mo na siya para hindi na siya magalit" Aniya ko pa sa bata kaya agad naman siyang lumapit kay Mitridates para yumakap sa binti nito.

"Sorry, Arc" Aniya na nito at ngumuso.

Napahinga na lang naman ng malalim si Mitridates at nilapit na ang pisnge niya sa bata.

Sus! hindi rin pala matiis ang bata.

Sarap kurutin ng mga pisnge e.

Ilang saglit pa ay may tumakbo ng isang golden retriever sa amin at excited na nagpaikot ikot at tumalon talon sa akin.

"Maxisha! sit!" Saway na ni Mitridates at napabilib na lang naman ako ng agad umupo ang aso.

"Wow! Good girl naman pala si Maxisha" Nasabi ko na lang at hinimas himas na ang aso.

"Hmm, pasensya ka na at naistorbo ka nitong kapatid ko" Usap na ni Mitridates kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.

"Kapatid mo pala tong cute na batang to, bakit siya cute? ikaw---

"Ano?"

"Wala, sungit!" Nasabi ko na lang dahil hindi nanaman niya pinatapos ang sasabihin ko.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang