KABANATA VIII

457 34 0
                                    

ATASHA'S POV

Dahil sa weekend at walang halos traffic ay nakarating naman agad kami sa bahay ng mga Lim.

Sobrang yaman naman pala ng isang to.

Maganda, malaki, malawak, maayos, modernong moderno ang disensyo at napakaraming mga sibilyan na mga guwardiya.

Nagkikita kita pa ba silang pamilya sa lawak ng bahay nilang to? Mukhang limang baranggay na ito ah.

"Yung totoo? Anak ka ba ng presidente?" Tanong ko na sa kaniya ng pagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse.

Hindi naman ako nito sinagot at pinagbuksan na lang din ng pinto ng kaniyang kapatid pati na rin ang aso niya na ngayo'y tumakbo na palayo sa amin.

"Thank you, Arc" Ngiting ngiting pasasalamat ni Natasha kaya agad naman hinalikan ni Mitridates ang ulo nito.

"Let's go ate Atasha!" Masiglang yaya na nito sa akin at mabilis na hinawakan ang kamay ko para kaladkarin na ako papuntang main door ng mala mansyon nilang bahay.

Napalingon na lang naman ako kay Mitridates na ngayo'y kausap na ang ilan mga nakaitim na lalaki at ang ilang mga maid.

"Oh my god! Atasha anak!" Biglang sigaw ng isang magandang babae na sa pakiwari ko ay ang mommy nila Natasha at Mitridates ng lumabas na ito mula sa kanilang main door.

"H-hi po, good morning po" Nasabi ko na lang, nang akmang magmamano na ako rito ay nagulat na lamang ako at niyakap ako nito ng napakahigpit.

Okay? Pero bakit kilala niya ako? Ganon ba ako ka idol ng bunso nila?

"Mom" Rinig na namin aniya ni Mitridates kaya agad naman napahiwalay ang kaniyang mommy sa akin.

"Ganda mo pa rin, anak" Aniya na niya ng hawakan na ang magkabilang pisnge ko.

"Siya po si Atasha, kaklase ko, first time mo pa lang siyang makita pero ganyan ka na kung makapag react" Napapailing ng aniya ni Mitridates.

"First time?" Takang tanong pa ng mommy nito.

"Mommy, opo, first time po" Usap na sa kaniya ni Natasha ng mapailing na lang din naman ito.

"Oh siya mauna na muna ako sa dining area para mahanda ko na ang pagkain, sinigurado ko talagang magugustuhan mo lahat ng hinanda ko anak"

"Oh siya! Sumunod na rin kayo sa loob ah" Paalam na nito at nagmamadali ng pumasok.

"Tara na, maliligo pa rin na muna ako, ikaw na muna bahala kay Ate Atasha mo Natasha ah, behave ka lang" Bilin pa nito sa kapatid at pinagbuksan na rin kami ng pinto.

Pagpasok ay dumiretso na si Mitridates paakyat ng hagdan habang ang batang hawak hawak ko naman ay panay na ang padyak sa tabi ko.

"Baby, Okay ka lang?"

"Ate Atasha nawiwiwi na ako" Usap niya kaya natawa na lang naman ako.

"Go na baby, hintayin na lang kita rito" Natatawa pa ring usap ko sa kaniya.

"Mabilis lang po ako ate, wait lang po" Usap pa niya at tumakbo na sa kung saan.

Ayan kasi laki laki ng bahay niyo!

Napatingin na lang naman ako sa mga vase at mga paintings nila na halatang mamahalin, maging ganon din naman sa ilang mga litrato nilang nakadikit sa pader.

Hmm, ang ganda ng ngiti ni Mitridates sa mga litrato nila.

Ganon niya ba talaga kamahal yung ex niya para pati tong ganitong ngiti niya mawala sa kaniya?

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now