KABANATA II

604 29 0
                                    

MAX'S POV

Pagdating ko sa parking lot ng school ay agad naman sumalubong sa akin sila Collins, Gunther at Johannes na ngayo'y nakabusangot ang mga nguso.

"Aga aga ganyan na itchura niyo" Bungad na usap ko sa kanila ng makalabas na ako sa kotse ko.

"Section B ka, katabi lang ng room namin kaya oks na rin" Aniya ni Johannes ng ibigay na sa akin ang isang maliit na papel.

"Salamat"

"Nasan na mga girlfriend niyo? Bakit kayo lang nandito?" Tanong ko na sa kanila habang naglalakad na kami papunta sa mga classroom namin.

"Nauna na sa classroom, alam mo naman mga model kaya pinagkakaguluhan" Sagot ni Gunther at napailing.

"Gusto ka nga sana nila hintayin kaya lang ang tagal mo" Sumbat pa ni Johannes.

"Mamaya ko na lang sila puntahan sa break time" Nasabi ko lang at nagpatuloy na sa paglalakad.

Unang araw para sa huling taon sa kolehiyo. Unang araw rin para sa mga bagay na hindi nakasanayan. Ang hirap ng ganito. Kinailangan ko pang lumayo para lang maging pulido ang takbo ng buhay natin pare-pareho.

"Dito na kami" Paalam na ni Collins ng makarating na kami sa tapat ng classroom nila.

"Sure ka? Ayaw mo talaga rito?" Tanong pa ni Gunther kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Gunther" Nasabi ko na lang kaya napatango na lang naman ito.

"Max!"

"Maxim!"

Tawag na sa akin ng tatlo ko pang mga kaibigan na sila Malory na siyang girlfriend ni Gunther, Shireen na girlfriend ni Collins at Stasia na siyang girlfriend ni Johannes.

"Need ba talagang lumipat ng section?" Nakangusong tanong na ni Stasia kaya napatango na lang naman ako.

Ngunit bago pa man din kami maghiwa-hiwalay ay bigla naman bumungad sa harapan namin ang school dean kaya sabay-sabay naman kaming napayuko sa harapan nito.

"Good morning, Dean" Sabay-sabay na bati naming pito.

"Good morning"

"Lim, ngayon lang nakarating sa akin ang balitang nagpapalipat ka sa section B, pero ikinalulungkot kong ibalita na hindi ako pumapayag at mananatili ka lamang dito sa section A"

"Pero dean ---

"Hindi pang section b ang mga records at performance mo, Lim. Kaya mananatili ka sa section A, maliwanag ba?" Tanong na nito kaya napatango na lang naman ako.

"Yes dean" Nasagot ko na lamang.

"Thanks dean!"

"Salamat dean"

Tuwang-tuwa na pasasalamat ng anim kaya napapailing na lang naman akong napapasok sa dapat na room lang nila.

Pagpasok naman sa loob ay agad naman nagtama ang mga mata namin ng idol ni Natasha na si Atasha Aster kaya agad naman akong napaiwas ng tingin.

Tama nga si Natasha, kamukha nga ni Mama Mary pero paano na? makasalanan ako, Atasha.

"Doon ka na lang sa tabi ni Atasha, Max" Aniya na ng prof namin ng makita nitong nakatayo pa ako.

"Pero prof---

"Now, since makakakilala naman na kayo at hindi na need ng pagpapakilala" Hindi pagpansin nito sa akin at hindi rin naman siya natapos sa pagsasalitaa ng bigla naman magtaas ng kamay ang katabi ko ngayon na modelo na kawangis ni Mama Mary.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें