KABANATA XIV

432 34 4
                                    

At dahil sa biglaan yaya ng tatlong kaibigan na sila Malory, Shireen at Stasia ay wala naman na nagawa pa si Atasha kung hindi ang sumama na lang din sa mga ito ng sunduin na siya ng mga ito sa mismong bahay niya. 

Ngayon ay nagpahinga na muna sila sa isang coffee shop matapos mag shopping ng kung ano-ano ang mga ito.

"Kung hindi ka pa susunduin, hindi ka pa sasama" Biglang aniya ni Malory sa kaibigan.

"Hindi kasi tayo si Max kaya ang tagal umoo pagdating sa mga yaya natin" Kunwari pang nagtatampong aniya naman na ni Stasia at tinarayan pa ang kaibigan.

"Girl, grabe ka, kaibigan mo rin kami" Emosyonal pang kunwaring usap ni Shireen sa kaibigan. 

Natatawa na lang naman napailing ang kaibigan nilang si Atasha at tumingin na lamang sa cellphone niya.

"Tignan mo kasama nga tayo pero nasa cellphone atensyon" Aniya pa ni Malory kaya agad naman ng binaba ni Atasha ang cellphone nito.

"Sorry na nga e, busy rin naman kayo sa mga jowa niyo pero hindi naman akong nagreklamo" Sagot ni Atasha sa mga ito kaya napangiti na lang naman ng mga nakakaloko ang tatlo.

"Ang problema, e hindi mo naman jowa si Max" Usap pa ni Shireen.

"Mga magjowa lang ba pwedeng magdate? Duh?! Hindi ba pwedeng yung gaya rin namin ni Mitridates?" Tanong na ni Atasha kay Shireen.

"Bakit ano ba kayo ni Mitridates?" Biglang tanong ni Stasia na siyang nagpatigil sa dalaga.

"Friends?"

"Ano ba yan? friends na nga lang hindi ka pa sigurado" Napapailing ng aniya ni Malory. 

"Blockmate na lang sagot mo teh! doon sigurado ka pa" Sabat pa ni Stasia at natawa naman na ang mga ito. 

Napabuntong hininga na lang naman si Atasha na siya naman napansin at narinig ng tatlo.

"So, anong meron? Bakit ganyan ka ngayon?" Tanong na ni Stasia sa kaibigan.

"Kamusta naman ang mga tagong lakad niyo ni Max?" Tanong pa ni Shireen.

"Pwede niyo ba akong kwentuhan tungkol sa girlfriend ni Mitridates"

"Huh?!" Sabay sabay na tanong ng tatlo.

"Bakit parang lagi kayong nabibingi pag tungkol kay MItridates tsaka sa girlfriend niya?" Pataray ng tanong ni Atasha sa mga kaibigan.

"Ano ba kasing naisipan mo at gusto mong ikwento namin sayo yung dalawa?" Tanong na ni Malory sa kaibigan at napapailing na ininom na lamang ang kape niya.

"Hmm, wala naman nacurious lang ako kasi parang mahal na mahal talaga siya ni Mitridates" Sagot ni Atasha sa kaibigan kaya napatango naman agad si Shireen at Stasia.

"Hindi na kami magugulat diyan, mahal na mahal talaga ni Mitridates ang girlfriend niya" Patango tango pa ring sagot ni Stasia.

"Nakwento na rin sa akin ng daddy niya ang nangyaring trahedya sa kanila ng girlfriend niya, sayang lang kasi parang ang perfect na nilang dalawa, biruin mo marunong sila pareho mag archery, parehas mabait at walang arte" Nakangusong kwento na ni Atasha sa mga ito.

"Sayang lang at namatay ang girlfriend niya" Dagdag pa nito.

Sabay-sabay naman naibuga ng tatlo ang nainom, na siya naman kinabigla ni Atasha.

"Kadiri!" Sigaw na ni Atasha. Natawa na lang naman ang tatlo habang punas punas na ang kanilang bibig. 

"Sinong nagsabi sayong patay na girlfriend ni Max?" Natatawa ng tanong ni Shireen sa kaibigan. Napaisip naman si Atasha at napailing.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now