KABANATA V

505 31 0
                                    

MAX'S POV

"Archer!" Tawag na sa akin ng isa sa mga tauhan ko ng makapasok na ako sa headquarters.

"Ready?" Tanong ko na sa tauhan ko at agad naman ito tumango kaya napatango na lang din naman ako.

"Okay, conference room, now!" Nasabi ko na lang.

Agad naman na tumayo ang mga ito at mga naghanda na papasok ng conference room.

Humarap naman agad ako sa tatlo na ngayo'y may hawak hawak ng folder na galing kay Akio at agad din naman akong binigyan ni Tiger ng kopya.

"Pamilyar" Usap ko na sa kanila ng buksan ko na rin ang folder at agad naman silang tumango.

"Oo Archer, isa to sa mga galamay kagaya ng nahuli na natin noon, hindi ko alam na dinaig pa ang octupos sa dami ng galamay ng amo ng mga hayop na ito" Napapailing ng aniya ni Eagle ng ituro na nito sa akin ang isang litrato.

"Hindi lang isa o dalawa yang galamay ng pinaka ulo ng mga sindikato na yan, maaring marami pa sila at ang mabigat rito, baka sa iba't ibang parte pa ng bansa" Aniya na ni Falcon.

"Pero masasabi ko talaga natin na hindi pa ito ang kanilang pinaka pinuno, masyadong mababaw ang seguridad ng isang to, pwedeng pwede mo na ngang hulihin na lang sa cr to" Aniya pa ni Tiger kaya napatango na lang naman ako.

"Tama, sa datos na nandirito, mababa pa ang mga ito kumpara sa datos na maaaring totoong lagay ng kanilang pinuno, kaya sa palagay ko, sobrang laki talagang sindikato ng mga ito kaya ganon na lamang ang higpit nila sa seguridad nila at sa kanilang mga tinatagong impormasyon pagdating sa kanilang amo" Paliwanag ko naman na sa tatlo ng habang papasok na kami sa conference room.

"Pero mali rin na isagawa ito sa publiko, kahit na sabihin natin na kaya na natin itong apat, kailangan pa rin natin gawin ito sa legal at planadong hakbang, hindi maaring may madamay na sibilyan at mga inosente" Bilin ko pa sa kanila, tumango na lang naman ang mga ito dahil alam na rin naman nila dapat sa una pa lang ang dapat na gawin.

Naupo naman na kami sa kaniya kaniya namin upuan habang pinangunahan naman ng tauhan kong si Akio at Nathaniel ang diskusyon patungkol sa nasagap nilang bagong impormasyon.

Impormasyon tungkol sa kung anong klaseng illegal na gawain na meron ang mga ito, impormasyon tungkol saan madalas may transaction at kung anong kayang gawin ng mga ito.

"May darating silang charity event sa susunod na mga linggo at tanging cover up lang ang party na yon sa totoong transaction na mangyayari sa araw na yon, Archer" Aniya na ng tauhan kong si Jolo na siyang naka assign naman patungkol sa pananaliksik sa mga posibleng ganap sa buhay ng mga sindikatong minamanmanan namin.

"May posible bang paraan para makapasok kami nila Eagle, Falcon at Tiger diyan sa event?" Tanong ko na kay Nathaniel na siyang naka assign naman sa pag aasikaso sa mga pagpasok namin sa mga ganitong mga event.

"Meron, ang totoo niyan mas madali na dahil anak din kayo ng mga kilalang Ceo rito sa bansa kaya sila rin mismo ang kusang magpapadala ng imbitasyon ng opisina ng mga magulang niyo, Archer" Sagot nito kaya napatango na lang naman ako.

"Kailangan na natin makuha sa kanila ang imbitasyon na yon bago pa nilang maisipan na sila mismo ang pumunta sa delikadong charity event na yon" Usap ko na kila Eagle, Falcon at Tiger kaya agad naman tumango ang mga ito.

"Once na makuha naming apat ang mga imbitasyon na yon, proceed na agad tayo sa pagplaplano kung paano natin matratrap ang mga sindikato na ito lalong lalo na itong lider nilang si Mikko" Usap ko na sa kanila kaya agad naman silang lahat tumingin sa akin.

"Hanggat maari, kailangan natin mahuli ng buhay si Mikko, kakailanganin natin siya para umaalam ng panibagong impormasyon at mas kakailanganin natin siya bilang panakot sa ulo ng mga sindikato na ito"

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now