KABANATA I

1.1K 44 0
                                    

MAX'S POV

"Archer!"

Agad naman akong napatigil sa pag eensayo ng dumating ang ka buddy at kaibigan ko na si Collins Vergara aka

"Tiger" Nasabi ko na lang at naupo na para tanggalin ang gloves sa kamay ko.

"Nabalitaan mo na ba?" Intrigang usap nito sa akin ng lumapit na ito kaya agad naman nagdikit ang mga kilay ko.

"Na?"

"Kaklase natin sila Atasha" Excited na usap nito kaya agad naman akong napatigil sa pag inom.

No way.

"Ilipat niyo ko ng section, ipalakad mo na lang kila Eagle at Falcon" Utos ko na sa kaniya habang nililigpit na ang gamit ko.

"Pero Archer---

"That's an order! Tiger"

"Yes Archer"

Napahinga na lang naman ako ng maluwag ng umalis na ito sa training area kaya agad-agad ko naman na pinagpatuloy ang pagliligpit sa mga gamit ko.

Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng tawag mula sa bunso kong kapatid na si Natasha Maxine na ngayo'y pitong taong gulang na. Matalino ang kapatid ko, kaya alam ko napapansin na niya ang tungkol sa trabaho noon ni Daddy at ang trabaho ko ngayon dito sa headquarters, ang gusto nga sana namin ay ilihim na muna sa kaniya ang tungkol sa ahensya pero alam din namin na hindi rin naman maitatago iyon sa ganon katalinong bata kaya hinayaan na lang din naman itong malaman niya ang ilan, kaya naman ay bilang proteksyon ay naglaan na rin si Daddy ng ilang mga tauhan niya na siyang magbabantay kay Mommy at Natasha saan man ito mga magpunta.

"Yes baby? Napatawag ka?" Bungad ko sa linya.

"Arc kailan ka uwi?" Tanong nito, bahagya naman akong natawa ng maisip na nakanguso ito ngayon.

"Uuwi na si Arc mamaya, may pasok na kasi si Arc sa school kaya riyan na ulit uuwi si Arc" Sagot ko sa kaniya at rinig ko naman ng napasigaw ito.

"Yehey! See you later Arc! I love you!" Sigaw na sagot nito at binaba na ang linya.

Napapailing na lang naman akong nag ayos ng gamit hanggang sa tuluyan na rin akong lumabas ng training area.

"Archer"

"Wala pa bang pumapasok na bagong kaso?" Tanong ko na sa isang tauhan ko na si Akio ng sumalubong ito sa akin.

"Wala pa, Archer. Malinis" Sagot nito kaya agad naman akong napatigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Tandaan mo tong sasabihin ko, Akio, kahit kailan, hindi magiging malinis ang lahat hanggat may mga taong nabububay kagaya nila, baka kinulang lang kayo sa pag iimbistiga kaya wala kayong nahanap na karayom sa talahiban. Ngayon, bukas na bukas kailangan kong makatanggap ng balita na meron na kayong nakitang daga na pagala gala sa daan, copy?!" Seryosong usap ko sa kaniya kaya agad naman itong napatango.

"Copy Archer!"

Malabong maging malinis hanggat hindi ako makakabawi sa gumawa non sa amin. Malabong maging malinis hanggat hindi ko sila nahuhuli. Malabong maging malinis hanggat hindi kita naigaganti.

"Eagle" Tawag ko na sa kaibigan kong si Gunther ng makita ko itong naninigarilyo sa basement sa parking lot ng headquarters.

"Ayaw mo talaga sa section natin? Ikaw lang mahihiwalay" Bungad niyang usap sa akin ng makalapit na ako sa kaniya.

"Hindi pwede" Nasagot ko na lang at kumuha na rin ng sigarilyo sa bulsa ko.

"Hindi pwede o ayaw mo? Kasi Archer magkaiba yon" Pangaral pa nito sa akin kaya napapailing na lang naman akong sinindihan ang yosi ko.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now