KABANATA XII

421 34 0
                                    

ATASHA'S POV

"Hmm, Collins" Mahinang tawag ko kay Collins na ngayo'y nakikinig sa professor namin.

"Si Mitridates? Bakit hindi siya pumasok?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya agad nakasagot at bahagya pang napalingon kay Johannes at Gunther.

Anong meron?

"May sakit ba siya?" Tanong ko na sa kanila pero umiling lang naman ang mga ito.

"Bakit siya absent?" Tanong ko ulit. Nagkatinginan lang naman ang tatlo hanggang sa lumipat naman na sa upuan ni Mitridates si Johannes.

"Papahangin lang yon, nag iisip isip, may sumakit sa kaniya kaya ayon" Sagot nito habang nasa professor pa rin namin ang tingin.

Okay?

"Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong ko na sa kaniya kaya agad naman siyang napatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong pa niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

Bakit nga ba?

Para naman pupuntahan ko kung makapag tanong ako.

"Nandon siya sa tambayan nila noon ng girlfriend niya, doon noon nalalagi yon dalawang yon, pero ngayon, naging puntahan na lang niya yon kapag ganyang may iniisip siya pakiramdam niya raw kasi kasama niya pa roon yung girlfriend niya" Usap na niya kaya napatango na lang naman ako.

Hindi ba uso sa kaniya mag let go?

Bakit kailangan pahirapan at saktan pa niya ang sarili niya?

Ganon ba niya kamahal yung tao para kalimutan niyang mahalin din ang sarili niya?

Hays. Mitridates.

"Pwede bang malaman kung saan?" Tanong ko pa sa kaniya kaya agad naman itong ngumiti.

"Itext ko na lang sayo yung address" Sagot niya at muli ng bumalik sa pwesto niya.

Kita ko naman na napailing na lang si Collins at Gunther sa kaibigan pero hindi na lang naman niya ito pinansin.

Ilang saglit pa ay nakatanggap na ako ng text mula sa kaniya kaya agad agad ko naman ng inayos ang gamit ko. 

Sakto naman maagang tinapos ng isa kong prof ang lesson niya kaya kinuha ko naman na ang gamit ko.

Nang akmang palabas na ako ng room ay rinig ko naman na ang pagtawag sa akin ni Stasia kaya nahilamos ko na lang naman ang mga palad ko.

"Uy! Atasha? San ka pupunta?" Tanong na ni Stasia sa akin kaya napalingon na lang naman ako ulit sa kanila.

"May isang subject pa tayo bago mag lunch ah" Dagdag pa ni Shireen na nagtataka.

Hindi naman ako makasagot at tinignan na lamang si Johannes na ngayo'y nakatingin lang sa akin maging si Collins at Gunther.

"Sige na, lumayas ka na, balitaan mo ko ah" Bigla usap naman ni Malory matapos niya isara ang notebook niya.

Napalingon naman sa kaniya ang dalawa na mayroon pagtataka sa mga mukha kaya agad naman na akong tumango.

Bago pa humaba ang usapan.

"Okay, thanks" Nasabi ko na lang at nagmamadali ng lumabas ng room.

Pagdating sa parking lot ay agad naman na akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis na nagtungo sa address na binigay sa akin ni Johannes.

"Archery?" Nasabi ko na lang ng makita ang disensyo na bow at arrow na nandoon sa building ng address na binigay sa akin ni Johannes.

Mahilig sila mag archery ng girlfriend niya? Cool.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now