KABANATA XXIII

388 36 1
                                    

"Ilagay mo na lang sa mesa ko, Akio"

"Bukas ko pag-aaralan lahat ng mga kaso na yan"

"Okay, salamat"

Pagbaba ng linya ay agad naman napalingon si Maxim sa batang pumasok sa kwarto niya kaya agad naman na niyang tinago ang ilang folder na puro kasong hawak niya.

"Arc"

"Yes baby?" Tanong na ni Max matapos itago ang mga folder.

Hindi naman sumagot ang bunso nitong kapatid at malungkot na lamang tumingin sa kaniya kaya agad naman niya itong takang nilapitan.

"Bakit baby? Anong problema?" Nag aalala ng tanong ni Max ng maupo na ito sa harap ng kapatid.

"Ha? Anong problema?"

Umiling lang naman si Natasha at mahigpit na niyakap na lamang ang kapatid.

"Natasha" Nag aalala na talagang tawag ni Maxim sa kapatid ng umiyak na ito sa balikat niya.

"Natasha, baby"

"H-hin-hindi na b-ba babalik sa atin si Ate A-Atasha?" Umiiyak ng tanong ni Natasha sa kapatid na siya naman kinabigla ni Maxim.

"Paano mo---

"Nakita ko po sila Ate Atasha sa mall kanina kasama nung lalaki, magkahawak kamay po silang dalawa, Arc"

"Tas narinig ko rin po sa mga mommy ng mga kaklase ko na may boyfriend na si Ate Atasha" Sagot ni Atasha kaya napahinga na lang naman ng malalim si Maxim.

Sinusundo ba nila mga anak nila para lang magchismisan?

"Arc"

"Mawawala na ba talaga sa atin si Ate Atasha? Hindi na ba talaga siya babalik sa atin?" Iyak pa rin ng iyak na tanong ni Natasha sa kapatid.

Naupo na lang naman si Max sa kama niya at binuhat na ang kapatid paupo sa binti nito.

"Masaya ka ba kapag masaya ang Ate Atasha mo?" Natanong na lang ni Max sa kapatid habang pinupunasan na ang luha nito.

"Opo"

"Parehas tayo, baby, masaya rin ako kapag masaya ang Ate Atasha mo" Nakangiting usap na ni Maxim sa kapatid matapos punasan ang luha nito.

"Alam mo kung bakit?"

"Bakit po?" Malungkot pa rin tanong ni Natasha kaya hinagod na lang naman ni Maxim ang likod nito.

"Kasi parehas natin mahal ang Ate Atasha mo" Nakangiting sagot ni Max kaya tumango na lang naman si Natasha.

"Mahal natin siya kaya gusto natin siya na sumaya" Sagot pa ni Natasha kaya naiiyak naman na lang naman hinalikan ni Maxim ang noo nito.

Pasensya ka na, Natasha.

Pasensya ka na baby pero hindi na natin mababalik ang Ate Atasha mo.

"Tayo? Hindi na ba tayo mahal ni Ate Atasha?"

Mitridates, I'm sorry .

I'm sorry, mali to, maling mali.

May Gunner na ako.

Mahal ko si Gunner.

Hindi ko mababalik ang nararamdaman mo.

I'm sorry.

"Mahal" Sagot ni Max kaya gulat naman tumingin sa kaniya ang bunsong kapatid.

"Mahal tayo ng Ate Atasha mo, hindi ba lagi ka niyang inaalagaan at nilalaro noon, gusto ka rin niya laging masaya kaya lagi ka rin niya sinasama sa mga lakad namin noon"

"Mahal ka ni Ate Atasha mo, Natasha"

"Mahal din niya si Arc"

"Sadyang nakalimot lang ang Ate Atasha mo, nakalimutan niya lang kung ano ba talaga tayo sa buhay ng Ate mo"

"Hindi na ba siya makaka alala? Hindi na ba niya tayo maaalala?" Tanong ni Natasha kaya agad naman umiling si Maxim.

"Hindi na, baby" Diretsong sagot nito kaya muli na lang naman siyang niyakap ng kapatid.

"Pero atleast kahit hindi ka niya maalala, nakilala ka pa rin niya tapos makakasama mo pa siya sa pagmomodel, hindi ba gusto mo yon?" Tanong pa ni Maxim sa kapatid kaya agad naman itong tumango.

"Pero paano ka?" Tanong pa ni Natasha kaya ngumiti na lang naman si Max at niyakap na lang din ang kapatid.

"Okay lang si Arc, baby"

"Ang mahalaga, ligtas at buhay ang Ate Atasha mo, nakikita pa rin natin kahit papano ang Ate Atasha mo"

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong na ni Natasha kaya nakangiti naman tumango ito sa kapatid nito.

"Mahal na mahal baby at hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa Ate Atasha mo" Sagot ni Max.

"Kaya masaya akong buhay at masaya na ang Ate Atasha mo" Sagot na lamang ni Max sa bunsong kapatid.

"Kaya ikaw, wag mo na pinoproblema yon, bata ka pa, hayaan mo na si Arc na lang mag isip niyan"

"Ang isipin mo na lang sa ngayon, kahit papaano makakasama mo pa rin ang Ate Atasha mo, baby ka pa rin niya kasi ang cute cute mo" Natatawang usap na ni Max at ginulo na ang buhok ng kapatid nito.

"I love you, Arc" Seryoso pa ring aniya ng kapatid nito kaya agad naman natigilan si Maxim.

"Alam ko, hindi man tayo naaalala ni Ate Atasha, alam ko talagang mahal na mahal ka rin niya at pagpepray ko lagi kay Papa God na sana maalala na tayo ni Ate Atasha para bumalik na siya sa atin, para sama-sama na tayong sasaya"  Seryosong dagdag pa nito kaya napatango na lang naman si Maxim.

"Thanks baby at ipagpepray din ni Arc yon" 

"I love you, Natasha"  

Matapos ng masinsinan na pag-uusap ng magkapatid ay sabay naman ng bumaba ang mga ito papunta sa kung nasaan ang mga magulang ng mga ito.

"Baby, bakit? Anong nangyari?" Nag aalala ng tanong ng mommy nito sa bunso ng mahalatang galing ito sa pag iyak.

"Nalaman yung kay Atasha" Simpleng sagot ni Max kaya agad naman niyakap ng mommy nito ang bunso.

"Aww baby" Nasabi na lang nito habang yakap-yakap pa rin ang bunso.

"Pero makakasama mo pa naman ang Ate Atasha mo, bunso"

"Hindi ba mag shoot pa kayo together?" Tanong na ng daddy nito kaya agad naman tumango ang bunso.

"Iniisip ko lang po si Arc" Diretsong sagot ng bunso kaya nagkatinginan na lang naman ang mag-asawa.

"Okay na yon, bunso, huwag mo na isipin yon" Muling paalala ni Max sa bunso at muling ginulo ang buhok nito.

Napailing at inabutan na lang naman ng daddy nito ng alak ang panganay na siya naman agad na kinuha ni Maxim.

"Maxim, anak"

"Baka oras na rin para tanggapin mo, na, wala na, na tapos na, na tuluyan na talagang nawala sayo si Atasha" Bulong na ng daddy nito sa kaniya habang pinagmamasdan na si Natasha na naglalakad-lakad na kasama ang mommy nito.

"Sana kasi nakipag break na muna siya" Natatawa na lang kunwari na aniya ni Max matapos ubusin ang alak na bigay ng ama.

"Mas mahirap kasing tanggapin yung ganito"

"Yung parehas namin hindi ginusto pero bigla na lang natapos"

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now