Chapter 06: Grand Ball

Start from the beginning
                                    

"You are so gorgeous... I can't taka away my eyes from you."

Umiwas ako ng tingin, nahihiya at namumula. Napabaling ako sa driver ng Mercedes Benz nakatitig sya sa amin ni Lenarj at pinagmamasdan kami. Pagkatapos ay napapangiti sya at napapailing. Para bang natutuwa pa sya sa inaasta naming dalwa ni Lenarj. Sumakay din si Lenarj ng sasakyan at umandar na ang Mercedes Benz. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong mamahalin at milyong sasakyan sa buong mundo. Ano pa kaya ang hindi ko alam tungkol kay Lenarj? Gaano ba sila kayaman? Gaano kaya sya ka swerte dahil meron syang ganitong sasakyan. Hindi ko mapigilan ang manliit sa sarili ko pero tuwing napapatingin ako kay Lenarj na nakangiti sa tuwing magtatama ang nga mata namin... nawawala lahat ang mga alalahanin sa aking puso. Ang pagmamaliit sa sarili ko, lalong higit ang mga red flags ko bilang babae.

Naramdaman kong hinawakan ni Lenarj ang kamay ko kaya napabaling ako roon. Pasimple akong umubo at nahihiya dahil napapatingin yung driber samin at ngingiti ng palihim. Hindi ko alam kung close ba sila ni Lenarj dahil natutuwa ito sa ginagawa ng boss nya. Habang ako ay nahihiya, ganito lang tumagal ang byhae papunta venue para sa Grand ball ng school. Sadya bang matagal pag Mercedes Benz at mamahalin ang sasakyan? O sadyang malayo lang ang venue? Baka naman binabagalan ni kuyang driver ang pagmamaneho? Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko pati kuyang driver nadadamay na. Napapagat labi nalang ako, nararamdaman kong pinipisili ni Lenarj ang kamay ko kaya napapabaling ako sa kanya. Ngumiti sya at meron akong nakikitang bagong emosyon sa mata nya. Ang galing nga eh. Namamangha ako sa gandang mata nya, medyo malaki ang pilik mata nya habang makakapal naman ang kilay nya.

"I love you," basa ko sa bibig nya habang walang boses na lumalabas. Para g binulong nya lamang ito sa hangin. Natigilan ako at umiwas ng tingin namumula ang pisngi ko dahil sa mga gesture nya. Sobrang init naman ata ng gabi na ito ah! Pinagpapawisan ako kahit na hindi pa naman ako sumasayaw o nakakatungtong ang paa ko sa venue.

Tumigil ang sasakyan sa isang parking lot. Akala ko nasavenue na kami. Lalabas na sana ako ng sasakyan pero pinigilan ako ni Lenarj. Napakunot noo pa ako at ngumiti lang sya. Nauna syang bumaba at naglakad paalis. Pumasok sya sa isang store at nawala na sa paningin ko.

"Kayo po yung girlfriend ni Sir Lenarj?" Napabaling ako kay kuyang driver ng nagsalit sya. Nahihiya akong tumango. "Ang ganda nyo po ma'am, lagi po kayong nakwe-kwento no Lenarj sa akin."

"P-po?"

"Tama naman po si Sir Lenarj, halata pong mabait kayo at mabuting tao."

Nagulat ako sa sinabe ni Kuya. Nataranta din.

"Huwag po kayong mag-alala. Napakabuti po ni Sir Lenarj ma'am." Ngumiti sya sa akin at tumango.

"M-matanong ko nga po kayo, kuya. Kaano-ano nyo po si Lenarj?" Nahihiya ko pang tanong.

"Para ko ng anak si Sir Lenarj, simula bata palang sya ako na ang nagbabantay sa kanya. Dahil..." Naputol ang pgkwekwento ni kuya ng natanaw na nya si Lenarj na paparating. May dala syang paper bag na maliit. Nagtaka pa ako dahil bakit may dala sya non. Umandar na din naman ang sasakyan balak ko pa sanang magtanong sa kanya kung ano yong laman ng paper bag nya pero minabuti ko na lang na tumahimik hanggang sa makarating na kami sa venue. Naunang bumaba si Lenarj at pinagbuksan ako ng pinto. Natatawa pa akong lumabas ng tinanggap ang nakalahad na kamay ni Lenarj.

"Enjoy your night, Sir Lenarj at Ma'am Ezra." Ngumiti si Lenarj.

"Ipaiwan mo nalang kuya ang sasakyan at ako na ang maghahatid kay Ezra, gagabihin kami dahil sa event eh." Tumango si kuya at pinaandar muli ang sasakyan papunta sa venue at bumalik para ibigay ang susi.

"Call me, kapag may nangyare." Tumango si Lenarj at ngumiti. Bumaling sa akin si Kuyang driver at naglahad ng kamay. "Ako pala si Robert, call mo Tito Robert na lang."

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now