Kabanata 13

22.2K 1K 663
                                    

Kabanata 13

Storm

"Before we end this flag ceremony. We would like to call our Guidance Counselor, Ms. Doretta Siguenza upstage for an important announcement," enunciated by the school principal whilst holding a wireless microphone.

Tapos na ang pagdarasal, pagkanta ng 'Lupang Hinirang'. Which is the Philippine National Anthem. Done recited the 'Pledge of Allegiance to the Philippine Flag'. Gano'n din ang 'Panatang Makabayan'. Kinanta rin namin ang 'Ako ay Pilipino'. School march and hymn.

Matuwid at malinis ang pagkakalinya o hilera ng mga estudyante rito. Pero hindi pa rin talaga nadala sa pagsaway ang iba'ng nasa likuran. Ang iingay at may nagtatawanan pa.

Isa ako sa mga estudyante'ng narito sa likod dahil sa tangkad ko, pero hindi ako kasali sa mga nag-uusap, tsismisan, at hagikhikan. Tahimik akong nakinig.

Sa linya naman ng mga senior ay hindi magulo. Tahimik nga sila at nakikinig naman ng maigi. Iyong grupo lang talaga ni Andrew ang panay pagngisi at panunukso.

One week had past like a snap of a finger. Isang linggo na simula noong huli kong nakita si Daumier sa Guidance Office. Halos dalawang minuto niya akong tinitigan no'n matapos inanunsiyo ang totoong kasarian ko.

He stormed out of the office after that. The next day, I did not see him again. I heard he was absent. Gano'n din ang pangyayari sa sumunod na araw hanggang sa lumipas ang isang linggo at ngayon ay lunes na naman.

Wala pa rin siya. His absence lasted a week. Baka late lang siya ngayon? Mamaya ay darating din?

Hindi na rin pala masyado'ng halata ang natamo kong pasa. Tinutulungan din kasi ako ni Kaia sa paggamot noon. Yelo lang at malambot na tela kada uwi galing paaralan.

Mula rito sa baba at nakahalo sa mga nakalinyang estudyante ay pinanood ko ang Guidance Counselor na umakyat sa stage.

"Good morning, students. Since the incident happened last Monday, we would like to inform all of you. In order to prevent one particular student from troubles since all of us thought she's a boy. . ." It was Ms. Doretta's feminine voice that came out from the school's speakers. "Majority of the students already know this popular student who always get bullied by the seniors."

Pinukol ni Ms. Doretta ang kaniyang matalim na tingin sa nag-iingayang mga senior. Doon mismo sa grupo ni Andrew. Natahimik at nagsiyukuan sila dahil sa paglakas ng boses ni Ms. Doretta sa huling salitang binigkas.

I prepared myself for what I was about to her from the Guidance Counselor's declaration.

"May I announce you, Kaleidoscope Vargas is a girl."

Diretso ang tingin ko sa stage at hindi ko binigyang pansin ang mga ulo'ng nagsi-lingon sa direksyon ko. May ibang malakas na napasinghap at iyong iba naman ay nagbingi-bingihan. Kahit iyong lalaki'ng kaklase ko sa aking harap ay napalingon pa sa akin sa kaniyang nanlalaking mga mata.

Luminya ako rito sa mga kaklase kong lalaki kasi ang haba na ng linya sa mga babae at hindi na pantay. Kaya lalo silang nakumbinsing lalaki ako dahil din dito.

"Here's her birth certificate as a proof. Please, do stop bullying her. Most especially, boys. You don't physically hurt a girl that never wronged you, do you? That would be all, thank you, and may God bless us. Once again, good morning, students. You may go back to your respective classrooms."

The organized lines of students broke into individuals, until it became groups.

May mga magkakaibigan na sabay na naglakad pabalik sa kanilang mga silid aralan. 'Yong iba naman ay mapag-isa lang, katulad ko. Namataan ko pa si Kaia na nakangiting kumakaway sa akin at tinanguan ko lang.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now