Wakas

37.4K 1.3K 433
                                    

Wakas

Sea

"Ms. Kaleidoscope Vargas. . . is a girl."

That time they told me that Kaleidoscope is a girl, it burnt my heart and mind like wildfire but stoned my body as if I had just looked at Medusa. I was petrified to myself after what I did back in the school's quadrangle.

Nagkasuntukan kami dahil nagsumbong si Aya sa amin. Umiiyak. She said that Kaleidoscope tried to rape her in an empty classroom. There's a witness. The first one, she accused Kaleidoscope for groping her.

Ginatungan pa iyon ng ibang kaklase namin dahilan kung bakit nawala ang lahat ng pagdududa ko na baka ay totoong babae s'ya. Mas pinili kong paniwalaan ang usap-usapan ng mga estudyante na lalaki s'ya.

At noong mga oras na iyon ay hindi ko matanggap na nagawa kong manakit ng babae. Kahit pa mas napuruhan ako sa nangyari.

"I said leave, boy!" my voice thundered in the four walls of my room. I did not face her. I just stared right through the ceiling to floor large window.

She tried to talk to me, but I can't. I can't even look at her. I would only remember what an asshole I was for punching a girl.

For punching the girl that I like.

Kaleidoscope never left my mind. Binaliw n'ya ako kakaisip sa totoong kasarian n'ya. I was not close to her bubbly sister, Kaia. Sinubukan kong tanungin iyon pero hindi ko magawang lumapit dahil laging may kasama. Baka ay pag-isyuhan kami.

Umabot pa ako sa punto na iniisip kong nababakla na ako. Tang ina. Muntik ko nang tinanggap na bakla ako at nagkakagusto na sa lalaki. Mom would accept me, I'm not sure about Dad. Grandpa? I don't know, but he would probably respect it.

My cousins? F*ck them. Aasarin talaga nila ako. Wala kasi sa dugo namin iyon. Lahat lalaki at straight. Hindi ko pa rin naman makita ang sarili ko na makikipagrelasyon sa kapwa lalaki.

Pero pagdating kay Kaleidoscope, nag-iiba ang desisyon ko. Iniisip ko na lang talaga na babae s'ya at nagdadamit lang ng panlalaki. Na hindi totoo ang mga sabi-sabi. That's she's just boyish with a personality of a boy.

She's usually silent with that neutral expression on her handsome pretty face. The way her monolid eyes would blankly stare out of boredom at whoever she wanted, makes me want to grab her attention and make her laugh.

Those lost strands of jet-black short hair framing her small face just added the urge in me to be near her.

Akala ko, cool na ako sa pagiging cold ko na 'to. May mas maangas pa pala ng dating kaysa sa akin.

I prayed that she's a female, and now that it was granted? Damn me.

Galit ako sa sarili ko. Bakit hindi ko inalam muna? Magtanong kay Tito Everardo o kay Manong Fernan? Ayaw ko kasing isipin nila pareho na interesado ako kay Kalei.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na kinausap ko si Manong Fernan tungkol sa nangyari bago s'ya pumalaot para mangisda. Ako ang huli n'yang nakausap sa tabing dagat bago s'ya sumampa sa bangka.

Sinadya ko talaga ang gumising ng maaga para maabutan ito nang narinig ko ang balita mula kay Manang Sonya na papalaot ito ng madaling araw.

"Manong Fernan. Gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil sa nagawa kong pananakit sa anak n'yo," mataman kong sabi sa Papa ni Kaleidoscope.

"Ayos lang, hijo. Hindi mo naman alam ang totoong kasarian n'ya kaya mo nagawa 'yon, at ang sabi ay pinagtatanggol mo lang naman iyong babae'ng kaklase mo na pinagbintangan si Kalei," mahinahong tugon nito at ipinatong pa ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Kausapin mo 'yong anak ko, hijo. Nang magkalinawan kayo. Hindi n'ya ba sinabi sa'yo na babae s'ya? Ang batang 'yon talaga. Pagod na kasi 'yon magpaliwanag na babae s'ya tapos aasarin s'ya ng ibang bata."

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now