Chapter 33

7 2 0
                                    

Jennie POV

Nagtungo kami sa loob ng clinic at kahit madilim ay doon kami nag tago ni alexis.

Hindi ko inaasahan na magiging sobrang nakakatakot ang gabing ito.

Hindi ko alam kung bakit tumuntong ang lahat sa ganto nilalaro namin ang gusto niyang laro.We are hiding our lives and he was seeking for our death.

"Kunin mo ito". bulong ni alexis sa akin at inabot ko ang ibinigay niya sa aking baseball bat.

Ngayon ko lang nakitang ganoon ka seryoso si alexis, habang palinga lingang nagmamasid sa pinagtataguan namin.

Aya POV

Nanginginig padin ang buong katawan ko, habang hawak ang aking bibig at pilit na hindi gumagawa ng anumang ingay.kasama ko sina juls at kurt may mga hawak din ang mga itong kahoy.

"Wag kayong gagawa ng ingay okay?aalis na tayo dito". saad ni kurt at tumango naman sila.

Dahan dahan kaming naglakad patungo sa mga classroom sa 2nd floor,nauna sa amin si kurt.Hindi namin alam kung anong mangyayari sa buong gabing ito.

Hindi pa man kami tuluyang nakakataas ng makarinig kami ng yabag mula sa 1st floor,may kung ano kaming narinig na para bang kinakaladkad na bakal.

Doon ko nalang napansin na lumapit si kurt kay juls.

"P-protect her,promise me you'll protect my girl". Marking bigkas ni kurt kay juls.

Palapit na ito sa amin at nasa hagdan padin kami,pero bigla na lamang na wala ang ingay.

Halos mapatili ako ng nakita kung pinalakol ni alec si kurt.Agad akong hinila ni juls pero pumapalag ako dito.kahit nanlalabo ang mga mata ko kakaiyak kita ko padin kung paano pigilan ni kurt si alec na makalapit sa amin.

Habang hawak ni Aleczane ang palakol ay pilit itong sinasangga ni Kurt gamit ang kahoy na hawak nito kanina.

"R-run!".hirap na saad ni kurt at pinipigilan padin si Alec.

Umiling ako dito at pilit na lumalapit kay kurt pero mahigpit ang paghawak sa akin ni juls.

"T-tara na"saad ni juls at pilit ako nitong hinihila.

"A-ano ba?!tulungan natin si Kurt!". sigaw ko dito.

Nakayuko lamang si juls sa akin at mahigpit padin ang pagkakahawak sa akin.

Parang binge sa sinasabi ko si juls,pilit ako nitong hinihila palayo kay kurt.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kung malakas na natulak ni kurt si Alec at para bang nawalan ito ng malay.Agad naman akong lumapit kay kurt at niyakap ito.

"S-sumama ka na samin please". Saad ko dito habang yakap padin ito.

Nagawa padin nitong ngumiti kahit na nanghihina na.Hindi ko padin mapigilang maiyak ng inalalayan ko itong tumayo ay bumagsak kami parehas.Mukhang marami nading dugo ang nawala sa kanya.

"W-wag kang mamatay okay?magagalit ako sayo". saad ko dito."I need you,we need you kurt,kaya wag kang mamatay".

Pinitik nito ang noo ko."S-sorry". saad nito at buong lakas ako nitong itinulak.

Ganon nalang din ang pagkamilog ng mata ko ng makita kung may malay nadin si alec sa likod niya,at parang demonyo kung makangite.

"Juls!Ikaw ng bahala kay aya!". sigaw ni kurt.

Agad naman akong hinila ni juls at tulad kanina pilit nitong pinipigilan si Alec.nakita kung tadyakan nito sa sikmura si Kurt.

"Sumakit din ang ulo ko sayo!". sigaw ni aleczane at pinagsisipa si kurt na ngayon ay walang laban.

Third's POV

Kurt was afraid too, but he knew he needed to be strong for the both of them.lalo na kay aya.

"J-juls,ingatan mo si aya!" sigaw ni kurt kay juls at tumango naman ito."M-mahal na mahal ko yan".

Mula sa malayo ay hindi na napigilan pa ni aya na mapahagulhol nang marinig nito ang huling sinabi ni kurt,bago ito tuluyang nailayo ni juls.

"Ew,corny niyo mga ugok!". saad ni aleczane habang nakatingen sa nanghihinang si Kurt na ngayon ay nakahiga na at nakangite.Tanggap nadin nito ang anumang mangyayari sa kanya.

"Gago!".Nakangising saad ni kurt kay aleczane at walang kahit anong salita si aleczane ng palakulin nito ang ulo ni kurt.

Amanacer MassacreWhere stories live. Discover now