Chapter 6

9 2 0
                                    

Jonas POV

"Pre,kanina ka pa diyan,what's wrong ba?" tanong sakin ni juls.

"Hindi ko alam,gagu kinakabahan ako na ewan" saad ko dito.

Kanina pa ako hindi mapakali,hindi sinasagot ni Jen ang mga tawag ko sa kanya.

"Jo,kung natatae ka,itae mo na yan". Pangaasar naman ni lexs sakin kaya sinamaan ko lang ito ng tingen at tumawa naman ang loko.

" ayoko na!"sigaw ko sa mga ito.

"Ayaw mo na?na aano ka ba talaga jo?" takhang tanong ni lexs.

Agad akong lumapit sa mga ito at sinamaan sila ng tingen.

"Tulungan niyo nalang akong hanapin si Jen." seryosong sabi ko dito.

Takha akong tumingin dito ng tumawa ang mga ito.

"Putang ina pre,inlove na inlove si bbjo pre,nagseselos ako" sabi ni lexs at umacting pang nasasaktan.

"Hayaan mo siya bro,andito naman ako,ako nalang kasi." Dagdag pa ni juls sabay himas sa dibdib ni lexs.

"Mga gago,itigil niyo yan" saad namin ni iman at diring tumingen kay juls at lexs.

Hindi na ako nagpaalam sa mga ito na aalis ako dahil baka hindi nila ako paalisin at pagtripan lang ako ng mga ito.

Muli kung tinawagan si Jen pero hindi padin nito sinasagot ang tawag ko.

Napukaw ng pansin ko ang mga nagkakagulong mga estudyante sa labas ng university.

"Anong meron?" Tanong ko sa isang estudyante.

"Tumalon daw yung babae galing sa third floor" sabi nito,tumango lang ako at hindi na nag abalang tignan kung sino ang tinutukoy niya.

Tatawagan ko na sana ulit si jen ng narinig ko ang usapan ng dalawang estudyante.

"diba isa siya sa nakaligtas sa massacre dito dati sa school?"

"Oo ata?jenny ata ba eyu-

Hindi ko na itinuloy pakinggan ang pinaguusapan nila at agad akong bumalik at tumakbo kung saan nakita ko na sinasakay na ito sa ambulansiya.

"Damn jen, who the fuck did this to you?" Tanong ko dito,kahit alam kung hindi ako masasagot nito.

"Sir,kailangan na po namin siyang dalhin agad sa hospital" tumango ako dito at hinayaang panoorin na maisakay si jen sa ambulansiya.

"Ano?may patay?!" gulat kaming napatingen sa baboy na principal namin ng sumigaw ito.

Jen POV

I don't know what to do now, nagsimula na naman, naandito na naman ako kung saan pinapanood ko lang sa harapan ko at hinahayaang mamatay sa kamay ng walang awa na ito ang kasama niya.

Wala akong lakas ng loob puro iyak nalang ang ginagawa ko.

Puta this is not me.

Nang makakuha ako ng lakas ng loob agad kung kinuha ang kahoy na nasa tabi ko at dahan dahang lumapit kay bryle at pinalo ito sa kanya.

"You bitch!" gigil na lumingon sa akin si bryle,kaya napaatras naman ako dito.

"Pag yan talaga lumapat man lang ulit sa mukha kong gagu ka" banta ko dito.

"Iba ka din ano?maganda ka huh?" tanong nito at tumawa ng pagkalakas lakas." Hindi ko alam na palabiro ka pala,bukod sa pinatay mo ang girlfriend ko."

Tumigil ito at seryoso akong tinignan,kung kanina nakararamdam ako ng takot ngayon naaawa na ako sa kanya.

Iniisip niya talagang ako ang pumatay sa girlfriend niya?

"Sa tingen mo ba talaga ako ang pumatay sa shota mo pre?nakakaawa ka naman". Tatlong beses akong umiling dito at tumingin sa kanya na parang nanghihinayang." Sa ating dalawa ikaw ang may kayang pumatay sa atin".

"A-anong sinabi mo?sinasabi mo bang ako ang pumatay sa sarili kung girlfriend?!" tanong nito sa akin,ngumisi ako dito at tinignan ang kaibigan niya na ngayon ay halos hindi na makilala at paniguradong patay na.

Nakita kung nilingon niya ang kaibigan niya. At muling lumingon sa akin at galit na galit.

"Ano?tama ba ako?" tanong ko dito at sabay crossarm habang maangas na nakatingen sa kanya.

"Masyado kang matapang! Kasalanan mo lahat ng ito!". sigaw nito sa akin.

" lahat nalang ba ng mali mo isisisi mo sa akin huh?ganyan kana ba ka putang ina?" Gulat akong napatingen ng sugudin ako nito at sinakal.

"Let see kung sino ang putangina sa atin" saad nito at mas diniinan ang pagkakasakal sa akin.

Halos hindi ako makahinga at puro pag pupumiglas nalang ang nagawa ko.Unting unti na akong nawawalan ng hininga sa pagkakasakal niya sa akin,until ng marinig ko ang pag ring ng phone ko,kahit blurred na ng unti ang mata ko,alam ko kung sino eyun.

hinihintay niya ako,hinihintay ako ni jonas

Agad kung sinipa ang pagkalalaki niya ng sobrang lakas dahilan para mabitawan niya ako,hindi ko inaasahan na sa pagkakataong ito may sirang bintana pala sa likod ko huli na ang lahat para makahawak pa ako ,dahil ramdam ko na ang dahan dahang pagbagsak ko.

Amanacer MassacreWhere stories live. Discover now