Chapter 12

12 2 0
                                    

Jennie POV

Natapos na namin ang exam at nag hinintay nalang ng results, kitang kita ang kaba sa mukha ng lahat lalo na sina lexs,iman at juls.

" Nag review kaba?" tanong ko kay juls

Bigla itong ngumite sa akin ng pagka tamis tamis, oh god so nag review nga siya.

"Syempre" proud nasabi ni juls  "hindi". dagdag nito kaya dahil sa inis binatukan ko ito.

" kengina mo talaga!seryoso nga?!Hindi ka nag review?! "Gulat na sabi ko dito.

"Bunganga mo talaga,syempre hindi ko naman kasi kailangan mag review stock knowledge ba". pagyayabang nito then he raise his index finger.

Tumahimik na kami ng dumating na prof namin hawak nito ang results ng exam.

Isa isa nitong tinawag ang mga nakapasa apat nalang kami ng tatlong hambog ang hindi pa natatawag kaya pati ako kinakabahan nadin.

"Alexis ,Iman and Julyus  congrats nakapasa kayong tatlo". saad ng prof namin kaya hindi lang sila ang natuwa kundi buong section namin.

" But sad to say,kinulang ka sa isang puntos jennie, pero don't worry tulad ng sinabi ni mr, principal maka kapag camping kayo pag nakapasa silang tatlo". muling naghiyawan ang buong section " pero dahil may isang hindi naka kuha ng perfect score sa inyo, dito na lamang kayo sa Amanacer University mag c camping and class dismissed ".

Napansin kong tinignan ako ng masama ng buong section

Wtf?!

--------------

" Puta naman Jen,nag review kami para sa camping e" angal ni juls hindi ako nito tinigilan hanggang sa canteen.

"Tangina, atleast natuloy naman diba?" masama ko naman itong tinignan pero inirapan lang ako nito.

"Hindi daw kasi siya makakagala at makakahanap ng gwapo Jen". biro ni jonas dito.

"Gagu,kung gwapo lang hindi mo na kailangan maghanap,andito naman ako". Nakangising saad ni alexis dito.

"Ulol" sabi ni juls sabay kuha ng gamit nito at umalis na,nagtawanan naman kami sa inasal nito.

Mukhang gustong gusto kasi nito mag camping sa ibang lugar,sino ba naman kasing gaganahan mag camping kung dito lang sa school diba?

Thirds POV

Habang nagtatawanan sina jen at ang kasama nito. Hindi sa kalayuan nakatanaw lamang sa kanila ang killer.

"Magpakasaya na kayo,pero huli na yan." saad ng killer at umalis na.

Habang naglalakad napansin ng killer si iman na tila ba may hinahanap, napangite ito at pinagmamasdan lamang si iman.

"Mukhang magiging sagabal ka ata sa plano ko". Sabi nito at mula sa bulsa nito ay naglabas ito ng gunting at dahan dahang lumapit kay iman.

Iman POV

Nandito  ako sa office ng principal naming baboy,wala naman talaga akong balak pumasok dito pero bukas ito ng madaanan ko.

Dahil nadin gusto kung malaman kung sino ba talaga ang killer ay sinimulan ko na ang paghahanap

Damn saan ko ba dapat unahin?

habang nagiikot ikot sa office ay bilang sumagi sa mata ko ang isang blue envelope naiiba kasi ito sa lahat dahil halos lahat ng kasama nito ay puro puti at ito lamang ang naiiba ang kulay,kaya agad ko itong kinuha.

"Fuck?! May DID siya?" tanong ko sa sarili ko ang DID ay isang dissociative identity Disorder isang sakit na kung saan ang isang tao ay mayroong dalawa o higit pang natatanging personalidad.

"Gusto  pa sana kitang ihuli, pero masyado kanang madaming nalalaman". saad nito kinilabutan ako dito lilingon na sana ako ng maramdaman ko nalang ang pagtusok ng isang bagay sa leeg ko.

Napahawak naman ako sa leeg ko at naramdaman ko nalang na may likido ng umaagos sa katawan ko.

Damn, I have to let them know who the real killer is.

Humarap ako dito at nginitian ko ito,kahit sa huling sandali gusto kung makita ang demonyo naming kaibigan.Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa leeg ko at binigyan ko ito ng matamis na ngite.malalaman din nila kung sino ka.

"Paalam na kaibigan". saad nito sa akin at nagdilim na ang lahat.

Amanacer MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon