Chapter 15

8 2 0
                                    

Jennie POV

I don't understand kung bakit itinuloy padin ng baboy naming principal ang walang kwentang camping na ito kahit alam niyang may namatay na.

"Avoid fighting" bilin ng principal akmang aalis na kami ng may pahabol pa siya."Wait, jennie na sa iyo ang mata ko huwag ko lang makikitang gumagawa ka na naman ng kalokohan".

May pa special mention pa amp.

"Wala naman akong ginagawang kalokohan". angal ko dito.

"Wala PANG ginagawang kalokohan". Pagtatama nito kaya inirapan ko naman ito.

"Sir, promise itatawid ko sa tamang landas si Jen" singit ni juls.aba tamang landas ang gago.

"Hindi kayo gagawa ng kalokohan?" Paninigurado ng principal.

"Hindi kami magpapahuli". Sagot ko at nag apir kami ni juls.

                                  ****

"Ako si Vector ang magtuturo at gagabay sa inyo hindi lang camping ang gagawin niyo dito,dahil nadin sa mga nangyayari hindi din dapat kayo mag pa kampante,we will not have fun for the whole week ang purpose nito ay ma improve niyo ang sarili niyo". saad nito tahimik lang kaming lahat na nakikinig sa kanya." We will start your training now".

"Damn,hindi ito ang inaasahan kung camping mygod". Reklamo ni aya.

"True ka diyan girl" dagdag naman ni gwen.

"We will have a physical body training now,kaya simulan niyo nang mag warm-up". Utos ni sir victor,nanlumo naman kami dito.

Nagsimula na kaming tumakbo at nasa pangatlong lap palang kami ay hindi ko na maramdaman ang hita ko dahil sa sakit.

Puta hindi nga ako nag e exercise dahil may asthma ako!tapos may paganto pang training at 100 laps ang kailangan naming tapusin!!.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo at inabot na ng alas dos at tatlong laps pa ang kailangan kung tapusin.

Nakita kung natumba si Alec dahil nadin sa pagod pero agad itong inalalayan ni Alexis tumayo.

"Thank you" dinig kong sabi ni alec kay lexs.

"Sinabi ko bang mag pahinga kau?!" sigaw sa amin ni sir victor.

"Sir try mo din kaya dito?" sarcastic na sabi ni jonas kahit bulong lang yun ay narinig ko padin.

Tumayo na kami at nagsimula na ulit tumakbo, pinag jumping jacks pa kami ni sir 100 counts!,can you imagine yung mga pawis namin ngayon?

Pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko ung iba ay nakahiga dahil sa pagod.

Pagkatapos non ay sinabi ni sir victor na ipagpapatuloy daw namin ito bukas, nahiya pa siyang pagudin kami ngayon hindi niya pa nilubos.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kung binagsak ang katawan ko sa kama.

"Kung ganito lang pala ang gagawin namin,sana sinabihan ko nalang sina juls na ibagsak ang exam".

Ngayon lang sumagi sa isip ko ang dapat kung gagawin,hindi ko alam kung magagawa ko ba iyun dahil sa kalagayan ko ngayon, pero sa tuwing naiisip kong sangkot ang mga kaibigan ko sa gulong ito ay hindi dapat ako magpakampanti kailangan nadin tuldukan ang gulong ito.




Amanacer MassacreWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu