malling with my 5 crush

Start from the beginning
                                    

"may gravy kasi sa mukha mo"ah. kaya pala sya lumalapit. pinunasan pa gilid ng labi ko. answeat ah. kilig ako ei. :''''''>

"uuuy. may namumuo dito. ayiiiieee" kantyaw nila samin. ako namumula eto namang si gerald no reaction. tapos pagtingin ko sa harap nakasimangot si gerome at kulang nalang mabasag ang buto sa diin mag tusok. any problem?

"uy gerome. tama na pagtusok. kawawa naman yung manok oh. selos ka lang eh. dapat kasi inunahan mo"-jarred

"bagal mo kasi bro eh. wala ka tuloy love life"-blake

"tss. tigilan nyo nga ako"-gerome

parang napaka lungkot naman ng boses nya. at sino yung pingaseselosan nya? imposible namang ako? psh. assuming na naman ako mga teh.

"uy tom's world tayo"-mariell

"oo nga honey. masaya dun. kuhaan mo ako ng toy sa may ganun"-tricia at sinenyas pa yung kamay nya na parang may kinukuha. yung may clum ata yun yung kinukuha yung toy.

"osige. basta para sayo honey ku"-blake

*cough* *cough*

nabulunan ako. pweh. napaka korni. kadiri.eww. inabutan naman ako ng coke ni gerome tapos si gerald naman hinahagod likod ko.

tumataas balahibo ko. brrr. lalo akong mabubulunan sa pinag gagagawa ng dalawang to eh.

~Tom's World~

"kyaaaah! honey kaya mo 'yan. waaaah! malapit na! malapit na!"-tricia. sigaw sya ng sigaw kasi kinukuha ni blake yung domo kun.

pero dahil madaya. eh di binitawan nung clump.

"ayy. next na lang. daya eh. pa testing nga"-tricia

ako ay nakatayo lang. mga isip bata. pwede naman silang bumili ng ganyan. si gerald naman dun sa may racing ng motor. si gerome naman di ko makita. saan kaya nag suot yon? nakain lang ako ng ice cream.

*poke* *poke*

"ay kalabaw!"-ako

kakagulat naman toh si gerome. ngiting ngiti at may parang tinatago sa likod nya.

"oh. para sayo"-gerome

inabot nya sakin yung domo na kinukuha ni blake. pero bakit di ko sya nakita. psh never mind.

"wow. domo. (*.*) thankyou \(^_^)/"-ako

"wala yun"-gerome

pag tingin ko naman kay gerald. nasan na yun? bakit nawala?

"tss. oh. sayo na yan. sayang naman kung itatapon ko"-gerald

psh. pakipot pa. ibibigay din naman talaga sakin yan eh. alam ko na 'yan. fairness cute white bear na may blue na damit at blue butterfly sa ulo. i lab it!

"thankyou"-ako

"psh. wag ka nga mag thankyou dyan. tss"-gerald

"sungit naman neto"-ako

nagulat nanaman ako ng may dalang spongebob na stuff toy si gerome na binigay sakin. favorite ko kaya si spongebob.

"thank you"-ako

pinuntahan naman ako ni gerald na may dalang patrick na stuff toy. ayaw naman nila ako bigyan noh?

"thanks"-ako

inirapan lang ako. sungit talaga nito eh no?

pumunta uli sakin si gerome na may dalang hello kitty na stufftoy. pinupuno ba nila ako? may pangdisplay na ako sa kama ko. at higit sa lahat galing pa sa kanilang dalawa.

"oh" dinagdagan pa nila. grabe ang dami na neto. stitch naman yung last na binigay ni gerald

"tama na ah. ang dami na neto oh"-ako

"tsk. uy. uwi na tayo"-gerald

"kayo na mauna. di kami sasabay. hahatid ko pa si honey sa bahay nila at tutulungan mag ayos ng gamit nya"-blake

"ako din. hahati ko si baby. tutulungan ko din sya"-jarred

"ako din eh. hahatid ko si mhine. kitakits na lang sa bahay ah"-oliver

nakakatakot naman. kami lang tatlo. ang sama pa naman ng aura ni gerome at gerald.

"okay. tara na callysta at gerome"-gerald

kinapitan ni gerald ang kamay ko at hinila :''> kaso nahulog yung bit bit ko. paper bags at yung stufftoy. buti pinulot ni gerome. parang nakukuryente ako sa ginagawa ni gerald eh.

"pasok" grabe naman toh. napaka bossy eh

pinaharurot nya yung kotse. si gerome naman tulog habang naka headset. woah. cool. i lab it!..

nandito na kami sa bahay. si gerome umakyat na. si gerald nandito pa sa baba. yung gamit ko nasa sofa. umupo muna ako. pagod na ako eh. nagulat ako nung tumabi sakin si gerome. :'''''>

"callysta"-gerald

woah! malumanay ata sya ngayon. tapos na syang ma menopause? wew.

"oh?"-ako

"sino ba ang crush mo?"-gerald

parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nung sinabi nya yun. ano bang isasagot ko? waaaah!!! readers help me.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

hmmmm. sino kaya isasagot nya? magtatapat na ba sya? abangan ;)

vote

comment

follow me

Living With My Five Crushes Where stories live. Discover now