026

437 12 5
                                    

R E A L I Z A T I O N

1:33 AM

Malalim akong napabuntong hininga at inalis ang tingin sa orasan. Pinunasan ko ang pisngi ko na may mga tuyong luha. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Gulo-gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang tama.

Muling bumalik ang isipan ko sa nangyari kanina at naramdaman kong nag-init ang mukha ko dahil doon. Bumibilis ang takbo ng puso ko sa tuwing naiisip ang pakiramdam ng mainit at malambot niyang labi—

Mabilis ako napaupo mula sa pagkakahiga sa kama. Pinilig ko ang ulo ko at muling napabuntong hininga.

Pasyente ko siya.

Nurse niya ako.

Ilang ulit ko na sinabi sa sarili ko. Hindi ko maiwasan na... Kiligin dahil sa halik niya pero nawawala rin agad kapag naalala ko ang mukha niya ng natauhan na siya. Ang pandidiring dumaan sa ekspresyon niya ang talagang masakit. Alam ko namang inexperienced ako dahil siya ang first kiss ko... Hindi man literal na unang halik pero siya ang unang humalik sa akin na hindi labag sa kalooban ko.

Gusto ko siya...

Pero naguguluhan ako kasi paano kung akala ko lang iyon dahil hinalikan niya ako? Paano kung dahil lang ito sa gusto kong makipaglapit sa kanya, maging kaibigan niya talaga dahil gusto ko siyang tulungan?

Malalim akong huminga at bumagsak muli sa kama. Umiling ako mga pitong beses at sinabi sa sarili na maaring naguguluhan at confuse lang ako sa feelings ko kaya ipasantabi ko muna dahil baka mawala rin ito. Hindi pwedeng ito ang problemahin ko ngayon dahil ang mental health dapat ni Blade ang priority ko muna. Makakapag antay kung ano man itong nararamdaman ko at malalaman ko rin sa mga susunod pang mga araw kung mas lalago pa ba ito.

Muli akong nakatulala sa kisame habang inaantay dalawin ng antok. Sinubukan kong umisip ng paraan kung paano ko uumpisahan kausapin si Blade.

May 3, 2021

Find out what happened on May 3, 2021.

Napakunot ang noo ko sa utos na iyon ni Sir Matthew. Ganon ba kabiglaan ang pag-change treatment kay Blade na hindi na ako napatawag ni Sir Matthew sa isang meeting...

Paniguradong importante ang araw na iyon. Kailangan ko iyon malaman at wala pa akong ideya kung papaano. Isa akong nurse ng mental hospital at sa nagdaang mga pasyente ko ay wala naman akong gaanong ginawang effort dahil sila na halos mismo ang nago-open up sa akin. Pero ibang kaso si Blade... Ngayon ko lang na realize na talagang si Blade ang pinakamahirap kong naging pasyente. Ibang iba sa mga dati ko at mas malala ang kanya. Halos mild lang din kasi yung mga dati kong pasyente pero mas malala ang kay Blade.

Matapos ang ilang segundo pang pagtulala ay napasinghap ako ng biglang may maalala.

Tama! Blade opens up somehow... Sinabi na niya sa akin ang tungkol sa mga magulang niya at lola niya. Malakas akong napatapik sa noo dahil nagawa kong makalimutan ang importanteng impormasyon na iyon.

Napapikit ako at naisip na marahil ay masyado akong na-stress nung mga nakaraan kaya nagiging makakalimutin ako minsan. Inalala ko ang mga kwento niya sa akin noon...

"They were killed with just one bullet shot through their heads."

"I am so angry on how they died!"

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 25 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Patient 033Onde as histórias ganham vida. Descobre agora