010

1K 29 0
                                    

B L A C K O U T S

WEDNESDAY na pero hindi parin kami nakakapag-usap ni Blade dahil hindi naman niya ako pinapansin at sobrang lamig ng trato niya sa akin. Kahapon ay kasing lamig ng yelo ang tingin niya sa akin na hindi ko maiwasan na mapayuko nalang at itikom ang bibig.

Sobrang kabado ako habang nakatitig sa pinto ng room 33 at sobrang tahimik sa loob. Pero sa pagkakaalam ko ay soundproof daw ang kwarto na ito. Ilang beses ko ng sinubukang pakalmahin ang sarili pero tila wala ring nangyayari.

Kaya tinibayan ko ang loob ko at mabagal na binuksan ang pinto. Pero wala pa sa kalahati ay rinig ko na ang mga malalakas na tunog na galing sa loob kaya binuksan ko na agad ng tuluyan ang pinto.

Napakurap ako at mabilis na hinanap ang emergency button sa bulsa ng uniform ko at pinindot ito. Si Blade ay may blackout ulit at sinisipa niya ng malakas ng bakal na kama habang kalat na kalat ang mga foam, punda, at kumot sa paligid ng kwarto.

Napalunok ako habang nakatayo lang sa entrance ng kwarto at pinapanood si Blade. Sumiklab ang lungkot ko dahil may blackout nanaman si Blade. Hindi tulad ng dati na may mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan at ngayon ay wala lang emosyon ang mukha niya at ang mata niya ay tila ba nakatingin sa kawalan habang kusang kumikilos na agresibo ang katawan niya.

Nalulungkot ako dahil naniniwala ako na kaya siya may aggressive blackouts ay dahil may naranasan siyang violence past niya... At dahil hindi parin kami nakakapag-usap ng ilang mga linggo dahil nagpapakita siya ng signs na paglala ulit ng sakit niya.

At sa wakas ay dumating ang security at dalawang nurse na may mataas na ranggo. Mabilis nilang naturukan si Blade ng sleeping drugs dahil distracted si Blade kaya ng bumagsak siya ay pinagtulungan nilang buhatin ito at ilagay sa stretcher para mas mapadali ang paglipat muli sakanya sa room 40.

Sinundan ko sila at pumasok rin sa kwarto at pinanuod na ilipat nila si Blade na maayos na kama at nilagyan ng gapos ang buong katawan para kapag magising man ito at wala ulit sa sarili ay hindi ito makakapagwala na pwedeng sanhi na masaktan ang sarili niya o makasakit.

Nagpaalam na ang security at dalawang nurse para na rin daw maayos nila agad ang room 33. Nakatayo lang ako doon at nagpakawala ng malalim na buntong hininga ng biglang mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita.

"You are too bothered, Lavender." ani ni Tracy na bigla biglang sumulpot sa likuran ko.

"Tracy! Stop scaring me please, you're giving me a heart attack!" napahawak ako sa dibdib at nagkibit balikat lang siya na parang wala lang ang lagi niyang paggulat sa akin.

"Lavender." bigkas niya sa pangalan ko na seryoso ang boses at nakatingin sa natutulog na si Blade. Umiling siya at bumaling sa akin.

"I know you have a 'kinda-friends-with-him' relationship but aren't you just too bothered for a patient?"

"What do you mean?" napakagat ako ng labi dahil sa seryoso ng tingin niya sa akin. Bakit masyadong seryoso ang mga taong nasa paligid ko sa akin?

"Lavender to all your previous patients you've never been like this. Don't you think you like him? I mean he is attractive and good looking so..." mabilis akong umiling para itanggi ang mga ideyang nabubuo sa isipan niya.

"Wala akong gusto sa kanya, Tracy. It's just I really wanna help him—"

"Lavender, he's been here for months and he still hasn't improve much what makes you think that you have what it takes to help him make him help himself!" nagbuga siya ng hininga kaya natahimik nalang ako.

Naniniwala akong kaya ko siya tulungan. Hindi naman sa naawa ako pero kasi... Simula ng matitigan ko ang blanko at asul niyang mga mata ay alam ko na may pag-asa pa siyang gumaling. Na ang Blade sa likod ng walang emosyon na matang iyon ay kaya pang tulungan ang sarili niya pero kailangan lang niya ng magtutulak sa kanya na labanan ang kung ano mang trauma niya.

Patient 033Where stories live. Discover now