024

563 15 0
                                    

P L A N N E D

"Now time to say goodbye." May malaking ngisi ang mukha niya at kinabitan ako ng tali sa leeg. Nanginginig buong katawan ko at nakalimutan ko huminga ng malapit ang mukha niya sa akin.  Tinapunan niya ako ng nakakalokong tingin at umiling sabay tawa.

"Oof! Silly bitch, you'll walk on all fours. Like what a good girl does a'right? We need to impress the buyers and put a good ol' act." Sinipa niya ako pababa ng sinubukang kong tumayo dahil naglakad na siya habang hila hila ang tali sa leeg ko. Hindi ko pinigilan ang mga luha ko sa pagbagsak habang tahimik na umiiyak. Ngayon ang araw na may pupunta para kunin ako pero sa hindi magandang dahilan. Ipapasa niya ako sa iba at muling sasaktan uli gaya lang ng ginawa ng tatay ko.

"Remember to keep your head down at all times or else I won't hesitate to kick it down so behave!" Saad niya at agad ko itong sinunod. Nag-umpisa siya maglakad palabas habang hila ang tali.  Ilang minuto ang inabot at hindi ko mabilang kung ilang beses na halos bumigay ang kamay ko sa paggapang dahil kahapon... O kanina? Lang ay halos baliin niya ang mga braso ko kaya sobrang kirot nito ngayon. Sa bawat dinadaanan namin ay madilim ang paligid at tahimik.

Nang huminto kami ay hindi ko parin inangat ang ulo sa takot na sipain niya ito. May binuksan siyang pinto at bumungad ang liwanag at ang dating malamig at magaspang na sahig ay ngayon ay mga damo at lupa na. Hindi ako direktang nakatingin sa langit pero nasisilaw ako dahil hindi ko na maalala ang huling beses na natanaw ang kalangitan. Bumilis ang tibok ng puso ko pero ngayon hindi dahil sa takot o kaba kundi dahil sa pagkasabik na makita muli ang asul na kalangitan. Sa tuwa na nararamdaman ko ay hindi ko napigilan ang sarili na iangat ang ulo para makita ang langit pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lalaking nakatayo sa may kalayuan.

Steven...

Nakita ko si Steven at nakatingin ito sa akin. Pero natigilan ako dahil paano... Paano nandoon si Steven kung siya ang nagdala sa akin at may hawak ng tali sa leeg ko?

Dahil sa nakitang iyon ay tangkang lilingon ako sa may hawak ng tali ngunit biglang may sumipa sa akin pababa at malakas na tumama ang mukha ko sa sahig. Pagkatapos ay nabalot ng malakas na putukan ng baril ang paligid.

Bumilis ang paghinga ko at nanatiling sa posisyon ko. Matinding kirot ang naramdaman ko sa ulo ko dahil sa sipa at sa mga tunog ng baril. Mabilis ang nga pangyayari at hindi ko namalayan na may humitak sa akin at binuhat ako. Sa pagkagulat ko ay hindi ako nakagalaw o nagprotesta. Nakapikit ako ng mariin sa takot sa mga maari kong makita. Tila umiikot ang mundo ko at sunod nalang na nangyari ay huminto kami at pagbukas ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Steven at biglang nagdilim ang paligid.

Humahangos akong napaupo at hinihingal. Kinapa ko ang dibdib ko at ramdam ang napakalakas na tibok ng puso ko. Kinalma ko ang sarili ko at sinubukan ko alalahanin ang napanaginipan ko pero tila nab-blanko ang isipan ko.

Ilang minuto ako nakatulala sa kumot hanggang sa lumitaw sa isipan ko ang pangyayari. Masyadong mabilis at malabo pero natatandaan ko na nakita ko ang mukha niya sa malayo habang nakatali ako na parang aso. Sinubukan kong alalahanin ang ibang nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko ng pinilit ko ito.

Malakas akong napabuntong hininga dahil isa ito sa mga alala ko. Sa tingin ko iyon ang araw na nakaligtas ako pero ngayon na malabo mga pangyayari sa isip ko ay hindi na ako sigurado. Umiling ako at akmang tatayo ng natigilan ako.

Patient 033Where stories live. Discover now