025

789 21 3
                                    

A   K I S S

SIYA ANG UNANG nag-alis ng tingin at dumiretso ng lakad. Nang malapit na siya sa akin at sinundan ko siya ng tingin.

"B-Blade..."

Bati ko ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin at dumiretso lang sa cupboard at ref para kumuha ng tubig. Matapos ito inumin ay umalis siya na para bang hindi talaga ako nakita. Nasaktan ako sa inakto niya pero pinaalala ko ulit sa sarili na intindihin ko siya dahil baka naninibago lang siya sa new environment o kailangan lang niya ng space. Halos madalang lang naman talaga siya mamansin at madalas tahimik.

Madalas ay observant lang siya at marahil abala sa sariling niyang obserbasyon o isipin. Malalim akong napabuntong hininga at tinungo ang ref at mga cabinets at nakitang puno ito ng mga groceries na aabot na ng isang buwan. Inumpisahan ko magluto ng lunch dahil baka nagugutom na si Blade at kailangan niya uminom ng gamot niya.

Nagluto na lamang ako ng adobo na manok at ng kanin. Nagluto na rin ako ng menudo para kahit papaano may pagpipilian si Blade na iba. Inuntian ko lamang ang luto yung sasakto lang sa amin at para mailagay nalang sa ref kung may matitira. Matapos maluto lahat ay inihanda ko na ito sa lamesa. Tatawagin ko na sana si Blade at hahanapin siya ng biglang pumasok na siya sa kusina at dumiretso na rin ng upo. Tulad kanina ay hindi niya ako pinagtuunan ng pansin.

Nakalimutan kong kumuha ng tubig kaya tumungo muna ako sa ref at cabinet para sa pitsel at baso. Nang lingunin ko si Blade ay hindi pa rin siya kumakain.

Hindi niya ba gusto yung niluto ko?

Binilisan ko ang kilos at binaha sa lamesa ang tubig at saka ako naupo. Itatanong ko na sana kung hindi niya gusto ang nakahain ng biglang nag-umpisa na siya magsandok ng kakainin niya.

Inantay ko siya matapos at napakagat ako sa labi sa isiping inantay niya muna ako maupo sa lamesa kasama siya bago mag-umpisa kumain.

Walang umimik at tanging tunog ng mga kubyertos ang maririnig. Halos kada minuto ay patago kong sinisilip sa Blade at abala lang sa pagkain na mukha namang nagustuhan niya?

Nang matapos ay niligpit ko ang pinagkainan namin habang tahimik lamang siyang nakaupo doon at nakatingin sa bawat galaw ko. Muntikan pang madulas ang baso sa kamay ko dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya. Inihanda ko ang mga gamot niya at saka lumapit sa kanya.

Bago pa ako makapagsalita ay kinuha na niya ito at hinablot ang isang basong tubig sa kamay ko. Dahil dito ay nagdikit ang kamay namin at tila kuryenteng dumaloy ang naramdaman ko kaya napaatras ako. Tinignan ko ang mukha niyang walang reaksyon at mukhang ako lang ang nakaramdam.

Umalis siya ng kusina at tulad ulit kanina ay hindi ako pinansin o tinapunan ng tingin. Malalim akong napabuntong hininga sa trato sa akin ni Blade.

MARIIN AKONG nakatitig sa puting kisame ng kwarto at umaasang dalawin ako ng antok. Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras ako nakatitig sa kisame. Sinubukan ko nang wag mag-isip at ikalma ang isip kaso ay kahit anong pilit ko ay pumapasok parin sa isip ko ang syang kasama ko sa bahay na ito.

Malalim akong bumuntong hininga at nagpaikot-ikot sa kama ng pitong beses pero wala parin epekto.

Buong araw ko hindi nakita si Blade pagkatapos namin mag lunch kanina. Nahanap ko ang kwarto niya pero ayaw niya akong pagbuksan at hindi siya lumabas para maghapunan. Kaya nag-iwan na lamang ako ng pagkain sa lamesa at mga gamot para sakaling magutom siya.

Patient 033Where stories live. Discover now