Kabanata 10

0 0 0
                                    

SVU:DMBKab10

Early class

I was left off guard after he said that.

Wala akong masabi kaya naman nanatili akong nakatulala sa kanya, mabuti na lamang at dumating na si Antum kaya nakatakas ako sa kanya.

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya kaya naman noong dumating si Antum ay halos mapasigaw ako sa tuwa.

"Alam ko masama maging chismoso, pero... anong pinag-uusapan niyo ni Jerdon kanina insan?" Ani Antum habang nasa loob kaming trike pauwi.

"If it's not obvious Acquisha Zahara... I'm interested in you."

Jerdon's voice echoed in my mind. Damn.

I knew it! Fuck. Ayaw ko mang mag-assume noon hindi ko mapigilan dahil sa kakaibang kinikilos niya.

That wasn't normal for a man like him to be that clingy, I mean annoying in texts! Minsan nga naiisip ko na marami siyang free time dahil kahit anong oras siya nagtetext.

Mas lalo lang nagulo ang isipin ko ngayong nilinaw na niya ang ikinikilos niya. Hindi ko alam kung ano ang mas gusto ko. Noon bang hindi niya nililinaw iyon at halos kung ano ano ang naiisip ko... o ngayon na binigyang linaw na niya pero mas lalo lang atang gumulo ang isip ko. I mean, we've just met... paanong interesado? Ano interesado siya sa pagiging suplada ko? I remember our firsts encounter.

If my memory is right ay iyong namili kami ng gamit, somebody accidentally push me and he catch me, if I would count on my fingers how many times we met I can name it. Kaya hindi ko talaga maisip kung baki.

"Insan!"

I was startled when Antum nudged my arm. Matalim ko siyang nilingon.

"What?" iritado kong tanong sa kanya.

Nangunot ang noo niya bago ngumuso.

"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa ako nagtatanong insan pero hindi mo ako pinapansin. May masakit ba sayo?" he checked my forehead.

Inalis ko ang kamay niyang nasa noo ko.

"I am not." sagot ko sa kanya bago humarap sa daanan.

"So ano na nga... kanina ko pa tinatanong ayo kung anong pinag-uusapan niyo ni Jerdon kanina bago ako dumating." pag-uulit niya.

"Nothing." I answered fastly.

"Anong nothing? Eh halos samaan ako ng tingin ni Jerdon dahil nasira ko ang moment niyo." hinarap ko siya at nakitang nakasambakol ang mukha.

Well you just did ruin his moment.

"It's nothing. Maybe he's just not in the mood..." or in his right mind, pampapalubagloob ko, hindi ko nga lang alam kung para sa kanya iyon o para sa akin.

Kasi kahit na anong isip ko ay hindi ko talaga maintindihan si Jerdon. And maybe what I said is right, wala lang siya sa tamang kaisipan noong sinabi niya iyon... because who would?

"Sigurado ka ba? Kung ganon bakit ganyan ka ngayon? May nangyari ba?" pakikiusisa niya pa.

I sighed.

"Bakit ano bang meron sa akin? What do you mean bakit ako ganito?" I lazily rolled my eyes.

Tumawa siya ng bahagya. "Ayan... ganyan ka insan, kaya nagtataka ako sayo kanina. Mukhang malalim ang iniisip mo."

Ang hirap lusutan nitong si Antum, napakachismoso niya.

"Precious went to me earlier, we've talked." ani ko na lang para manahimik na siya.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now