Kabanata 6

2 0 0
                                    

SVU:DMBKab2

Contact

"Madala ra ko nimo hangtod dinhi. Hugot ang seguridad didto ug dili ako makasulod." Lengwahe nila ang ginamit na salita ng driver kaya wala akong naintindihan. (Hanggang dito ko na lamang kayo maihahatid. Mahigpit ang mga sekyu dyaan at hindi ako basta basta nakakapasok.)

Hindi pa sana ako bababa kung hindi lang ako sinenyasan ni Antum.

"Narito na tayo insan." sabi ni Antum kaya naman tinignan ko ang nasa harapan namin.

May malaking gate ang nakaharang sa amin, kaya siguro hanggang dito na lang kami dahil hindi na nagpapapasok.

Hacienda. Confiance. Loyautè. Nous rend plus fort. Narvaez.

I froze on my feet when I saw what's written in a bold italic near the gate entrance.

Is this Jerdon Uno's house?

"Hindi malabong hindi mo pa nakakasalamuha si Jerdon Uno Apollo Narvaez o kung tawagin ng iba ay Juan, Acqui... hula ko'y may isa pa ata kayong subject na magkaklase tama ba ako?" tanong ni Antum nakatingin rin sa harap namin kung nasan ang gate na may signage noon. Tumango ako sa tanong niya. "Kung ganon, tama ang iniisip mong kanila ito."

He's going to work here? Kina Jerdon? And I fucking volunteer to work too?! But... anyway, ano naman kung siya ang magiging amo? It's fine.

I don't have any grudges with him, I think he will not use our simple interaction like me rolling eyes at him... for him not to accept me as a worker right?

Maisip pa lang na baka nga hindi ako agad matanggap dahil sa mga interaksyon namin, ang pagsusungit ko sa kanya, he even told me I am rude. And worst baka idamay niya pa si Antum sa kasalanan ko.

Mukhang maipapahamak ko pa ata si Antum.

I sighed and look at Antum, he's already looking at me.

"Si Jerdon ang nag-iisang anak ng mga magulang niya, sina Juanilo at Analiza Narvaez, nag-iisang apo ni Gobernador Juan II. Ang gobernador noon na tanyag sa rami ng nagawa. Kaya lamang ay wala na iyon sapagkat pinatay sa mismong tahanan nila kasama ang kanyang may bahay ilang dekada na ang nakakalipas." malamig na boses ni Antum. This is the first time I heard him say things without any emotion.

I guess Inang's condition made him like this, nagsimula lang naman siyang maging ganyan noong isinugod sa pagamutan ang lola niya.

"Sa ngayon, si Jerdon na ang namumuno ng ibang pag-aari ng mga Narvaez."

Tumatak sa isip ko iyon habang papasok kami, may sasabihin pa sana si Antum kaya lang ay natanaw kami ng mga security guard na nagbabantay sa guard house nila kay tinanong kami kung ano ang sadya namin.

Antum answered them that we're going to apply for a work.

Pinapasok kami at may dalawang nag-escort sa amin na guard para dalhin kami sa tanggapan ng mga Narvaez.

They are rich rich. Base on the big mansion we are heading on. May mahabang pathway patungo sa mansion nila, ang gilid naman ng pathway ay may fountain at sa kabila ay nahihinuha kong garden nila.

"Ikaw rin ba hija mag-aaply? Naku, mukhang dayo ka ah? Nobya mo ba ito hijo?" tanong ng katabing security ni Antum sa kanya.

Natawa si Antum bago ako akbayan, nagpabigat pa kaya naman siniko ko ang tagiliran.

"Aw! Grabe ka naman insan!" inda nito kaya napahiwalay sa akin. "Ikaw kasi manong e, hindi ko ho ito nobya, pinsan ko ho, halata naman manong parehas kaming maganda at gwapo. Nasa lahi namin!"

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now