Kabanata 8

0 0 0
                                    

SVU:DMBKab8

Baby

Wala kaming imikan sa hapagkainan, meron pang dalawang helper na naiwan dito sa may likod ko, nasa kabisera si Jerdon at mukhang walang paki sa ibang tao dahil abala siya sa pagtitig sa akin. Habang nakain.

Nailang tuloy ako kaya iniwasan ko na lang na humarap sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay lumipat kami sa office niya. Again, umakyat kami sa stair but it was so quick because malapit lang ang office niya kaya hindi ko na naappreciate ang interior design ng second floor.

"Here," he gave me his iPad and I saw how messy his schedule is. "Nandyan ang schedule ko for the whole month, may ilang call din akong natanggap but I forgot to put it there, kaya pwedeng saiyo na yan."

I lazily look at him. Anong akin na? Baliw ba siya? Oo mayaman siya but he shouldn't be like that to his employee, what if ma-take advantage siya dahil sa ganiyang ugali right?

My lips tugged for a scoff.

"I... mean, sayo muna?" Patanong pa niyang sabi!

"I can't take this. Aayusin ko lang ang schedule mo rito." Sabi ko bago nagsimulang ayusin ang kanyang schedule.

Gulo gulo iyon, buti na lang may space kaya naiintindihan ko ang pagkakahati hati nila. May iba na nauuna ang oras, pangalan, lugar, may iba pa na walang pangalan pero may oras at lugar, meron ding pangalan lang at oras. I know these are all his schedule, pero sobrang dami naman ata nito?

He's a student right?

"Paano naman kapag may nagpaschedule sa akin tapos ay nakalimutan kong sabihin sayo? Kaya nga nilagay ko dyan ang contact number kong para sa meetings, dahil ikaw ang mag-aayos hindi ba?" He make sense.

Sinulyapan ko siya, tinitignan kung seryoso ba siya o baka inuuto lang ako.

Nandito kami sa sofa ng office niya at wala sa table, magkaharap kami at sa gitna ay may lamesa na may mga papers na hula ko ay trabaho niya.

I didn't even get sometimes ano ano ang mga iyon but I shrugged it all out.

"Fine. But I'll just handle this for the mean time." Sabi ko bago nagpatuloy.

He told me I can start now since aayusin ko pa lang naman. Siya naman at naroon sa kabilang upuan at nakakunot ang noong nagbabasa.

Mr. Aragon (General Center) 09**********
7-15-20** (11:00 AM) @Verde Maco

Ms. Tuner (Market MM Representative) 09*********
7-17-20** (2:00PM) @Cafe MM

"And also baby, can you put our group's meeting every week? So you would know, para hindi mo na malagyan ng schedule. Thanks." He said softly. Tila wala sa sarili niya sa binabasa habang sinasabi iyon!

My heart beat wildly! Baby!

I inhale sharply because of that.

"S-sige..." Nautal pa ako! Nakakainis, pinanood ko siya sandali para tignan kung sinasadya niya ba ito pero hindi!

Umiling na lamang ako, maybe he's just not in his mind right now kaya niya ako tinawag na baby, but the hell?! Kahapon rin ay sinabi niya iyon? Ano to playboy kaya naman sanay na sanay siya sa mga ganyan?!

I can freely stare at him now, gwapo siya. Fine, I admit. His pointed nose looks good on him, his thick eyebrows na nakakunot habang nagbabasa ay nakakatuwang panoorin, bumaba pa ang tingin ko at napansin na ang kanyang labi, he has a cupid shape lips, mapula at nangingintab palagi na akala mo'y dinilaan niya—

Siguro ay napansin niya na nakatingin ako kaya naman umangat ang mukha niya para tignan ako. Halos magkandaaligaga ako dahil doon!

Fuck nahuli niya ako! Iniwasan ko agad ang mata niya bago bumaling sa iPad niya. Noong balingan ko ang sched niya may may napansin naman ako, tamang tama I can use this alibi para hindi niya maisip na natitig ako sa kanya.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now