Kabanata 2

1 0 0
                                    

SVU:DMBKab2

Dismissal

"Eto hija, fill this out and after pass mo na lang sa kasunod na line." Abot sa akin nung babae, officer ata ng school.

"Thanks." I murmured.

Umupo muna ako doon sa may mga tables and chairs na nasa harap lang din ng registrar. Dun sa walang tao ako pumwesto, alangan naman magfeeling close ako sa mga tao dito at makishare ng upuan sa kanila.

Naiinis pa din ako sa mga tao dito! Kung makatingin sila ay inaakusahan na agad ako na magnanakaw! Pahamak na mga babae yun!

How can I study in peace here like what I've wanted kung ganito at di pa nag-uumpisa ang klase ay may mga ayaw na sa akin. Not that I wanted them to like me, but it's more peaceful to study if they don't care nor thinking of my presence as a thief!

After the man came, ay agad namang nagpaawa iyong babae at nagsumbong. As if she didn't start the fight! Siya naman ang nanguna kasama noong nga kaibigan niya. Hindi ko na sila pinansin at umalis din sa lugar na iyon.

I stopped writing. The forms need my parents name. I shrugged and didn't write my father's name. Thinking of his name suddenly added fuel to my anger.

I heavily sighed and continue filling out the form. After that I went to the next line and passed the form. Saglit lang iyon dahil may ibinigay na naman na slip sa akin bago ako umalis doon.

Some people were still looking at me. Hindi ko na lang iyon pinansin at naglakad na lamang, hinahanap ko ang line para sa mga students ng educational.

Madali ko naman iyong nakita pati na rin si Antum. Nakaupo siya mag-isa sa isang table kaya nilapitan ko.

"You aren't done?" Tanong bago umupo sa harap niya, napatalon siya sa gulat bago humawak sa dibdib niya.

"Acqui! Grabe ka naman! Nakakagulat ka!" Sigaw niya kaya naman napatingin sa amin ang ilang tao.

I looked at him coldly.

"Why are you so shocked?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Wala naman, nakakagulat ka lang talaga. Hindi ko man lang napansin na dumaan ka sa gilid ko. Siya nga pala, tapos ka na?"

"Obviously—"

"Oo at hindi lang sagot, pipilosopohin mo pa ko ha." Natatawa niyang sabi bago nagpatuloy sa pagsusulat. "Pagkatapos natin mag enroll gusto mo ba maggala? Hindi ka pa nakakapunta sa Lawa de Lento. Gusto mo ba pagkatapos don tayo?" 

"What would I do there?" Walang emosyon kong sagot.

"Baka pwedeng matulog sa tubig gusto mo?" Sumulyap siya sa akin, I just stared at him not in a mood to joke around him. He cleared his throat. "Well, narinig ko kanina...may bagong salta daw na pinahiya si Precious, estudyante sa administration. At sa itsura mo ngayon, mukhang ikaw iyon. Magpunta tayo sa Lawa de Lento mamaya para naman mawala ang init ng ulo mo." Seryosong sabi niya.

Minsan lang magseryoso itong si Antum kaya hindi na ako umangal pa, at isa pa wala din ako sa mood magsalita.

Hindi na ako umimik at hinintay na lang siya matapos sa ginagawa niya.

"Sorry din insan, hindi ko agad nadinig na may nangyaring gulo kanina kaya hindi kita nasamahan." Ani Antum habang naglalakad kami.

Naka labas na kami ng eskwenlahan nang magsalita siya. Pagkapasa niya kasi kanina nung form niya ay hindi na ulit siya nagsalita pa.

"Tss. Dapat talaga hindi na kita iniwan e," umiiling iling na sabi niya. "'Wag ka mag-alala pag nagpasukan na di ako aalis sa tabi mo."

"You don't have to. I can handle myself, don't treat me as a weak." I rolled my eyes bago mas binilisan ang paglalakad kaya naiwan siya.

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now