"Pasensya ka na hija..." pahinging paumanhin na naman ni Uncle.

"It's fine po," I said. "Sanay na ako na palaging wala sila Mom at Dad noon, ano ba naman ito ngayong parehas silang wala dito sa paligid ko." hindi ko sinasadyang magtunog mapait iyon.

Natahimik kami parehas at wala nang nagtangka pang magsalita. Ilang sandali pa akong nanatili doon bago ako magpaalam na uuwi na.

"By the way uncle. Kailan nga pala ililipat si inang sa hospital?" tanong ko sa kanya noong makalabas kami. Ihahatid niya daw ako sa sakayan at hindi na naman ako tumanggi dahil may bibilhin din daw siya.

We stopped near the canteen.

Bumili si uncle ng iuulam nila ni inang, I feel bad nga kanina since hindi man lang ako nagdala ng ulam, I don't know how cook kay naman wala rin akong madadala!

Maagang pumasok si Antum ngayon kaya naman hindi na rin ako nakapagpaalam sa kanya. Whole day naman siya sa trabaho kaya wala rin kung hindi man ako nakapagpaalam dahil mas mauuna pa rin akong umuwi sa kanya. Kaya naman para pambawi I bought ulam para mamayang pag-uwi ni Antum ay hindi na niya kailangan na magluto pa.

"Nakausap ko na ang ate tungkol riyan, ang sabi niya'y kung iyon daw ang ikakabuti ni Inang ay dalhin agad. Kaya lang ay naghanap pa muna ako nang masasakyang ambulansya, malayo ang central bayan kaya naman kahapon ko lamang iyon napuntahan. Anila'y maari nilang ihatid ang inang bukas, lunes." sabi ni uncle pagkaabot sa kanya ng binili niya.

"Umaga po ba?" I asked.

"Oo hija e," sagot niya habang hinihintay namin iyong binili ko.

He told me Antum's favorite kaya iyon ang binili namin.

"Sayang, nagpaplano po sana akong sumama. I bet Antum would want to come too." sabi ko naman bago nagpasalamat sa babae noong ibigay niya na ang order namin.

"Hayaan mo hija, kapag gumaling ang inang ay uuwi agad kami."

Pinaalalahanan niya pa ako na sabihan si Antum na huwag na kaming tumungo sa central bayan sa oras na dalhin ang inang doon dahil una sa lahat, mahal daw ang pamasahe at malayo. And he also said that instead of going there ay magpahinga na lang daw kami ni Antum.

Marami pa siyang paalala katulad nang, mamalengke daw kapag naubusan kami ni Antum ng supply ng pagkain at huwag palaging bumili ng kakainin, he also said na magrelax kami at huwag masyadong mag-alala kay inang dahil utos ito ng huli.

Pagkauwi ay sinabi ko iyon kay Antum and he was sulking. Hindi ko raw siya sinama e may trabaho kaya siya!

Kinabukasan ay sabay ulit kami ni Antum pumasok. Wala masyadong nangyari maliban na lamang noong nakasalubong ko si Precious noong hinihintay ko si Antum, kapag kasi lunes ay nauuna talaga ako sa kanya.

"Tss. My day was going well... until I see you. Gosh!" Maarteng saad nito.

As if I want to see her too?!

Kung pwede nga lang magbulag bulagan pag malapit siya sa palagid ay ginawa ko na. Kaso syempre hindi naman pwede iyon, hindi pwedeng ako palagi ang nag-aadjust for her. She should make a move too if she doesn't want to see me!

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakaupo dito sa bench malapit sa gate ng school.

I don't wanna wait for Antum in gym anymore since last time I did some brattel men ruined my peaceful time... I didn't know that this brattela will ruin my peaceful time here too.

Can somebody tell me where area can I wait for my cousin without anyone interrupting my solemn peace?!

"You know what? You're such a leech, trying to be close to Juan huh?" She mockingly said. As if she's saying any sense? Come on girl don't you have any sensible to say?

SERIE VICIOSA UNO: Desire My BeautyWhere stories live. Discover now